ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gwen Zamora, umakyat ng bundok nang 'di nalalaman na may sintomas na siya ng dengue


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 
Bagito pa si Gwen Zamora sa hiking at gusto raw niyang maranasan ang thrill at fulfilment na nararamdaman ng maraming artista na nahihilig dito.

Subalit hindi niya akalain na masusubok nang todo ang kaniyang endurance sa una niyang hike sa Mount Pico de Loro na nasa boundary ng Cavite at Batangas. Bukod kasi sa 664 meters ang taas ng itinuturing pinakamataas na bundok sa Cavite, hindi niya alam na may sintomas na pala siya ng dengue noon.

First week of October nang akyatin nina Gwen at ng co-stars niya sa Binoy Henyo na sina Sheena Halili at Luis Alandy ang Mt. Pico de Loro.

Kuwento ni Gwen, hindi biro ang sinapit nila dahil limang oras daw silang nag-trek bago nila narating ang tuktok ng bundok.

Aniya, noong umpisa pa lang daw ay nagba-backout na siya dahil nga sa nararamdaman.

“Ayoko na from the start pa lang. Pero good thing one of our parang head tour guide was a doctor, so he had medicines. He gave me medicines naman so I made it up and down,” ayon sa aktres.

Ayon pa kay Gwen, nababawasan naman daw ang iniinda niyang sakit tuwing nakakakita ng magagandang view habang paakyat ng bundok.
 
 “Going up we saw so many waterfalls. And then halfway through nasa ulap na kami. So it was like foggy and then it was nice na iba-iba ‘yong parts ng mountain,” patuloy niya.

Napawi raw ang pagod niya nang narating nila ang tuktok dahil sa ganda ng view mula sa itaas. Nag-stay sila sa tuktok ng almost 45 minutes at kainin ng mga dala nilang canned goods.
 
“Pero I was so scared. I'm not naman scared of heights. I was just scared because it's so windy so ayokong tumayo. Kasi parang feeling ko pag tatayo ako, matutumba ako,” kuwento niya.

Pagkatapos daw nilang magpahinga sa tuktok ay agad na silang bumaba at inabot ito ng apat na oras. Pagkababa, puro ulam na may sabaw tulad ng bulalo, tinola at sinigang ang kinain nila.

Umabot sa 40 degrees ang lagnat ni Gwen nang makauwi siya kaya nagpatingin siya sa duktor. Nalaman sa blood test na positive siya sa dengue.

“Kasi fever is kaya ko eh, pero it was a different type of fever. Parang sumasakit yung joints ko tapos ang sakit-sakit ng one part of my head. Parang someone's drilling me, pumupukpok sa loob ng ulo ko,” kuwento niya.

Na-confine si Gwen sa hospital ng anim na araw kaya hindi siya nakapag-taping para sa Bubble Gang. Siya ang ikatlong miyembro ng cast na nagka-dengue.

Naka-recover na ngayon si Gwen at ready na raw siyang sumabak muli sa trabaho.

Dahil hindi niya masyadong na-enjoy ang pag-akyat sa Pico de Loro, may plano siyang umakyat muli kasama naman ang kaniyang boyfriend.

Ang advice lang ni Gwen sa mga gustong mag-hiking: “If ever you guys want to go hiking, start with an easy hike. Yung mga 1 to 2 hours lang. Huwag ninyong biglain with a 5-hour hike up and 4-hour hike down.”

Now that she’s back, catch more of Gwen Zamora in Bubble Gang every Friday night after GMA Telebabad. Al Kendrick Noguera/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: gwengarci, dengue