ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Bea Binene at Jake Vargas, nagkabalikan na nga ba?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi man nagkaroon ng pag-amin kina Jake Vargas at Bea Binene na naging sila habang magkatrabaho sa programang Home Sweet Home, kinumpirma naman ng dalawa ang kanilang paghihiwalay kalaunan. Pero kamakailan lang, naging madalas na nagkakasama ang dalawa kaya hindi maiwasan na maitanong kung nagkabalikan na ba sila.
Nitong nakaraang 16th birthday celebration ni Bea sa Crowne Plaza, dumalo si Jake at kapuna-puna ang pagiging sweet ng dalawa.
Tinanong ng mga reporter si Bea kung ano ang iniregalo sa kanya ni Jake.
Sagot niya, “Yung mga surprises niyang ginawa, yung siguro ang gift niya sa akin. Basta, ‘yon na yun. Sinurprise niya ako.”
“May darating pa na gift,” dagdag naman ni Jake.
Diretsahang tinanong ng mga reporter ang dalawa kung nagkabalikan ba sila.
Mabilis na sagot ni Jake, “Yes. Nag-sorry na ako sa kanya.”
Dagdag na tanong naman kung papaano sila nagkabalikan.
“Basta okay na po kami. ‘Yon na yun,” matipid na sagot ni Bea.
Ang naging dahilan umano ng hiwalayan nina Jake at Bea noon ay ang Kapuso actor na si Ken Chan. Napabalitang nagselos si Jake sa closeness nina Ken at Bea.
Ano na ang estado nina Ken at Bea ngayon?
“Kami naman po ni Ken, we’re good friends. Kaibigan lang talaga. No more, no less,” saad ni Bea.
Sa isang mall show kung saan ginanap ang album launch ni Bea, napabalitang nagtampo si Ken dahil kinanta ni Jake ang dapat na production number niya. Special guest si Ken sa album ni Bea, at may duet sila sa album.
Paglilinaw naman ni Bea, “Actually, ‘yon po talaga yung program flow at yung Polyeast po ang nagdesisyon. He (Jake) was there just to support me. Actually, nadagdagan nga yung prod namin ni Ken kasi nagkamali ng play ng music si Kuya, so nadagdagan ng isang kanta. Ewan ko, kasi ako talaga, ‘yon talaga ‘yung alam kong flow.”
Ano ang masasabi ni Jake tungkol sa isyu na ito?
“Ang masasabi ko lang po, sumusuporta lang ako kay Bea,” sagot niya.
Totoo bang hindi na kinakausap ni Bea si Ken?
“Hindi po totoo ‘yon. He was actually invited here. Hindi po talaga totoong hindi ko siya pinapansin. Grabe naman, sobrang rude naman kung hindi ko siya papansinin. We are good friends and siyempre, magkasama kami sa album. Magkatrabaho kami, ‘di ba? Ang awkward at pangit naman ng working relationship kapag may something, so wala po,” paliwanag ni Bea.
Ayaw na rin magpaapekto ni Bea sa mga intriga dahil kuntento at masaya siya sa buhay niya ngayon. Minabuti na lamang niyang pasalamatan ang loyal JaBea fans.
Narito ang kanyang mensahe para sa kanila: “Gusto namin magpasalamat sa kanila dahil kahit na ‘yung mga times na hindi kami masyadong okay [ni Jake], nandiyan pa rin sila at hindi pa rin sila bumibitaw. Sobrang thankful namin dahil alam naming maraming sumusuporta sa amin and we’re very lucky to have them.”
Ano naman kaya ang mensahe ni Jake para kay Bea?
Sagot ni Jake sa interviewer, “Nandito lang ako lagi para sa kanya at susuportahan ko siya sa lahat ng ginagawa niya.”
Tumingin siya kay Bea at sinabi niya, “I love you.”
Para sa karagdagang updates sa mga paborito ninyong Kapuso stars at shows, mag log-on lamang sa www.gmanetwork.com. -- Samantha Portillo/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: beabinene, jakevargas
More Videos
Most Popular