Vin Diesel, nagbigay ng tribute sa pumanaw na kaibigan at Fast & Furious co-star na si Paul Walker
Sa pamamagitan ng kaniyang official Facebook account, nagbigay ng kaniyang tribute ang Hollywood actor na si Vin Diesel sa kaniyang pumanaw na kaibigan at Fast & Furious co-star na si Paul Walker.
Sa kanyang Facebook fan page, ginawa niyang cover photo ang masayang larawan nila ni Paul, kasama ang dalawa pang co-star na babae sa Fast & Furious movie franchise.
Hiwalay pa rito ang isa pang larawan nilang dalawa ni Paul kung saan nag-iwan siya ng mensaheng nagsasaad na:
"To live in the hearts we leave behind, is not to die."
Thomas Campbell.
Pablo, I wish you could see the world right now... and the profound impact, your full life has had on it, on Us... on me...
I will always love you Brian, as the brother you were... on and off screen."
Kasalukuyang ginagawa nina Vin at Paul ang ika-pitong bahagi ng Fast & Furious movie franchise nang mangyari ang trahediya kay Paul.
Namatay si Paul sa isang vehicular accident nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas) habang patungo siya sa isang charity event ng Reach Out WorldWide, ang kanyang foundation, na idinaos sa Los Angeles, California.
Ang naturang pagtitipon ay para makalikom ng pondo sa mga biktima ng Yolanda. Kasamang namatay ni Paul ang isa niyang kaibigan.
Ilang araw bago pumanaw sa aksidente si Paul Walker nitong weekend, nakapagbigay pa siya ng mensahe sa mga biktima ng Bagyong Yolanda (Haiyan) sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang video na kumakalat ngayon sa social media.
“We're happy to be making another 'Fast and Furious,' but there are times we really, you know, you gotta check yourself. I mean, What's going out there? People without homes, people without food, people without water. It's a heavy heavy time,” aniya sa nasabing video.
“So right now for us, it's really a race for relief. So basically we are reaching out to the fans, we love Manila, we were there last year, they received us with open arms, we love the Philippines,” dagdag pa ng aktor. -- FRJimenez, GMA News