ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Bangon Kaibigan,’ kanta ng Kapuso singers para sa mga biktima ng Yolanda


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagsama-sama sa isang pambihirang pagkakataon ang Kapuso singers upang mag-alay ng tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng kantang "Bangon Kaibigan" na isinulat ni Janno Gibbs.
 
"Mensahe noong kanta is huwag mawawalan ng pag-asa na kahit na gaano tayo kalubog o natapakan, kaya natin. Lalo na ang Pilipino [na] kayang-kaya ipagpatuloy ang buhay [at] kayang-kaya bumangon," pahayag ni Janno sa ulat ni Aubrey Carampel sa "Unang Balita" nitong Lunes.
 
Ilan sa mga singer na kasama ay sina Regine Velasquez– Alcasid, Rachelle Ann Go, Jay-R, Christian Bautista, Solenn Heussaff, Heart Evangelista, Mark Bautista, Jaya, Janine Gutierrez, Kristoffer Martin, at Glaiza de Castro.
 

"It's really nice that GMA came up with this and of course, Sir Janno Gibbs. Nagsama-sama lahat ng mga artista, we're all together," wika ni Heart.
 
Ilulunsad ang naturang awitin sa Sunday All Stars ngayong Disyembre 15. Lahat naman ng kita ay mapupunta sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
 
Ayon kay Jaya, "The song that Janno Gibbs wrote first of all, napakaganda. This one is to help out iyong mga nasalanta talaga ng bagyong Yolanda."
 
Wika naman ni Regine, "I'm very happy that I'm part of this whole thing for the victims of Yolanda. Of course, we are all doing this for that, it's for a good cause."
 
Samantala, maaaring mabili ang signed t-shirts na isinuot ng mga artista sa recording ng awitin sa isasagawang auction. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News