ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Louise delos Reyes, matutupad ang pangarap na magkaroon ng 'kakambal'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bata pa lamang daw si Louise delos Reyes ay pinangarap na niya na magkaroon ng kakambal. Hindi man ito natupad sa totoong buhay, magkakaroon naman siya ng chance na maranasan ito sa bagong teleserye na kanyang pagbibidahan, ang Kambal Sirena.
Ayon sa Kapuso leading lady, isang malaking hamon ang pagbibigay buhay sa dalawang Louise, lalo na't magkaiba ang kanilang ugali at mundong ginagalawan. But she reveals that she accepts the challenge not only on the acting part, pero pati na rin sa paglangoy.
"Hindi ko ma-explain ang pakiramdam since bago nga siya at kakaiba yung story. Bigatin ang mga kasama ko kaya mas excited ako. Kailangan kong masanay sa tubig kaya nag-training ako under Kuya Jess Lapid, Jr. Tapos nag-SCUBA diving din ako," kwento ng aktres.
Part of Louise's excitement can also be attributed to the fact that she will be doing her second telefantasya. Her first was Alakdana in 2011, where she played the role of Adana, a girl with a scorpion tail. Sa nasabing serye din sila unang nagtambal ni Alden Richards, ngunit sa pagkakataong ito ay iba ang magiging leading man ni Louise.
"First time kong mahiwalay kay Alden sa isang soap. Siyempre start from scratch, mangangapa ka rin sa bago mong partner. Pero kailangan din kasi mag-grow ng isang artist, kaya kailangan magkaroon din ng bagong partner," she shared.
Abangan ang pagbabalik ni Louise delos Reyes sa primetime via Kambal Sirena, coming this 2014 on GMA Telebabad. -- Michelle Caligan/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: louisedelosreyes, kambalsirena
More Videos
Most Popular