ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kwento ng pamilya sa Magpakailanman presents: 'Kislap ng Parol'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Higit sa magagandang Christmas lights, Christmas tree, mga parol, at mga regalo, iisa lang ang talagang nakapagpapasaya sa mga Pilipino tuwing Kapaskuhan—ang salubungin ito na kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay... ang kanilang pamilya. At ito rin ang hangad ni Marissa.

Ngunit matapos siyang iwan ng kaniyang asawa para sumama ibang babae, alam ni Marissa na magiging mahirap tuparin ang kaniyang gusto. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa.

Gagawin ni Marissa ang lahat ng kaniyang makakaya para mabalik ang asawa at mabuong muli ang kanyang pamilya. At habang pinipilit niyang matupad ito, hindi niya napapansin na siya naman ang nagtutulak sa kaniyang mga anak papalayo sa kaniya.

Sampung taon matapos siyang iwan ng kaniyang asawa, makagagawa na ng paraan si Marissa para magkasama silang muli ng kaniyang mister. Pero sa pagbabalik nito, may pamilya pa bang maihaharap si Marissa sa asawa?

Mula sa manunulat ng ‘Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros’ na si Michiko Yamamoto, handog ng ‘Magpakailanman’ ang isang madamdaming kuwento tungkol sa pamilya, at kung paano masasabi ng sinuman na buo ito.

“Kislap ng Pasko,” stars Ms. Eula Valdez, Diva Montelaba, Ruru Madrid, and Ms. Nova Villa; under the direction of Michael de Mesa. Magpakailanman airs Saturday nights after Vampire Ang Daddy Ko. -- GMANetwork.com