ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kim Rodriguez, inspirasyon ang kapwa Kapuso actress para sa sexy role sa 'Paraiso Ko'y Ikaw'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kumakawala na ngayon ang aktres na si Kim Rodriguez sa kaniyang teenybopper image para sa kauna-unahang daring role nito sa "Paraiso Ko'y Ikaw" kung saan gaganap siya bilang isang island girl.
Dahil din sa kaniyang karakter, naging inspirasyon ngayon ng dalaga ang mga dating karakter na ginampanan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera tulad ng Marimar.
"Actually napanood ko na siya [Marian Rivera], 'yong mga Marimar niya dati, napanood ko talaga. Simula nong unang show niya, hanggang ngayon, pinapanood ko po 'yon kasi parang siya ang sinusundan ko ngayon, e," ani Kim sa ulat ni Nelson Canlas sa "Balitanghali" nitong Lunes.
Kukunan ang mga eksena ng bagong GMA Afternoon prime show sa isang isla, kaya naman puspusan na ang paghahanda ng aktres para sa kaniyang papel na si Josephine.
Kuwento pa nito, "Nang malaman ko na ako po ang pinili para maging Josephine sa Paraiso Ko'y Ikaw, nag-prepare na ako. So, nag-diet ako, jogging, swimming. Sa Paraiso Ko'y Ikaw, ang role ko dito is medyo daring na."
Makakapareha niya sa naturang palabas ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin. Kabilang din sa bumubuo ng palabas sina Joyce Ching, Phytos Ramirez, at Lauren Young. Magsisimula ito sa Enero 27 bago ang "24 Oras." — MM/ELR, GMA News
Tags: kimrodriguez
More Videos
Most Popular