ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Alden Richards on Marian Rivera: 'Isa siya sa mga pinakatotoong tao sa showbiz'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Noong 2013, nagpaalam na si Alden Richards sa kaniyang mga karakter na sina Tisoy at Jerome. Ngayong 2014, ibang Alden ang matutunghayan sa kanyang pagganap bilang si Yago sa seryeng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, kung saan makakatambal niya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Matapos ipagdiwang ang Bagong Taon, nagdiwang din si Alden noong January 2 ng kanyang ika-22 kaarawan. Simple at “chill” lang daw ang kanyang naging celebration. Nagsimba siya at nag-dinner kasama ang kanyang pamilya.
Ano ang pinaka hindi niya malilimutang regalo na natanggap sa kanyang kaarawan?
“Peace of mind, kasi nitong 2013, masyadong madaming naging stress, hindi lang halata. After I did the 2014 countdown sa MOA, nung nag- 5, 4, 3, 2, 1, 0, hininga ko na lahat ng stress at iniwan sa 2013. 2014 is a brand new start, a brand new life,” anang Kapuso hunk.
Kaakibat nito ang panibagong imahe ni Alden sa harap ng camera. Pagbabahagi niya, “Mas mature at change image [ako] ngayon kasi siyempre, Primetime Queen, the one and only Marian Rivera [ang makakasama ko]. Hindi na puwede yung acting-Tisoy or acting-Jerome dito. Acting-Yago na ‘to.”
Nabanggit din ni Alden na mas pinag-aralan niya ang kanyang karakter ngayon dahil hindi ito katulad ng mga “good boy” role na nagampanan niya dati katulad ni Tisoy sa One True Love at Jerome sa Mundo Mo’y Akin.
"This time, nagresearch ako ng mga actor sa Hollywood, actors dito and a little bit of everything. A little bit RDJ (Robert Downey, Jr.), a little bit na Chris Evans, a little bit na Robin Padilla para maging mas dynamic yung character ni Yago. Medyo bad boy!,” paliwanag ni Alden.
Ayon kay Alden sa kaniyang mga dating panayam, magkahalong kaba at excitement ang nadama niya nang malamang si Marian Rivera ang kanyang makakatambal. May kaba pa rin ba siyang nararamdaman ngayon?
“Wala na. Zero lahat. I think ang tingin ko na kay 'Yan ngayon is more of a leading lady. Wala nang walls dati na ‘pag Primetime Queen ang kaharap ko, baka hindi ako maka-arte. ‘Pag Primetime Queen, bawal yakapin o halikan. Wala na lahat ‘yon,” sagot ng aktor.
Paano niya nalampasan ang “wall” na iyon?
“Maraming beses kaming nag-usap just to get to know each other at saka para makilala namin yung personality ng bawat isa. Siguro isa ‘yon sa ways and yung workshop namin with Direk Laurice Guillen- yung compatibility exercise. Nagsabihan kami ng secrets,” dagdag niya.
Ngayong mas kilala na niya si Marian, paano niya mailalarawan ang Kapuso Primetime Queen?
“Hindi siya yung iniisip ng iba na suplada at mahirap i-approach. ‘Yon lagi yung magiging tingin sa kanya dahil maraming nagsasabi, pero ako personally, I’m not saying this dahil may show kami pero I’m saying this kasi isa siya sa mga pinakatotoong tao sa showbiz. Siya yung taong walang ka-showbiz showbiz sa katawan. Kung ano siya, ‘yon siya,” tugon ni Alden.
Huwag palampasin ang kauna-unahang pagtatambal nina Marian Rivera at Alden Richards sa Carmela: Ang Pinakagandang Babae sa Ibabaw ng Mundo, malapit na sa GMA Telebabad! -- Samantha Portillo/ Bochic Estrada, GMANetwork.com
More Videos
Most Popular