ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Rafael Rosell, nag-alaga muna ng hayop bago tinanggap ang role na tatay sa The Borrowed Wife
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang isang buwang pagpapahinga ni Kapuso hunk Rafael Rosell, muli na naman natin siyang mapapanood sa pinakabagong soap na ihahandog ng GMA Afternoon Prime ngayong 2014, ang The Borrowed Wife.
Sa unang pagkakataon ay magtatambal sila ng Kapuso host-actress na si Camille Prats. Makakasama nila sa proyekto sina Pauleen Luna at TJ Trinidad.
Sa ginanap na press conference ng show kahapon, tinanong si Rafael kung ano ba ang
pakiramdam niya na nabigyan agad siya ng project ng GMA pagkatapos ng Maghihintay Pa Rin.
“Medyo hesitant akong tanggapin yung role dahil unang-una, it's a father role,” pag-amin ni Rafael.
Paliwanag ng aktor, kaya siya nagdalawang-isip sa proyekto ay dahil mahihirapan siyang gumanap bilang isang ama dahil sa totoong buhay ay wala siyang anak.
“Ang challenge sa 'kin dito is to find a connection with a possible offspring at wala akong connection na ganoon eh,” paliwanag niya.
Bago raw tuluyang tinanggap ni Rafael ang role, nag-experiment muna siya sa pamamagitan ng pag-aalaga sa isang hayop.
“Hiniram ko po yung ahas ng kaibigan ko at lagi kong dala para mag-bonding dahil unang-una takot rin ako sa ahas eh. So sa totoong buhay, takot din akong magkaroon ng anak dahil hindi ako sigurado kung kakayanin kong alagaan,” patuloy ng aktor.
Dagdag pa niya, “So noong na-realize ko na kaya ko palang mag-alaga ng ahas, eh kakayanin ko rin siguro yung bata dahil I have to face my fear.”
Pagkatapos ma-realize ni Rafael na kaya niyang mag-alaga ng bata ay nagdesisyon na siyang tanggapin ang role ni Rico sa The Borrowed Wife.
Si Rico ang tunay na asawa ni Sophia (Camille Prats) at mayroon silang anak na si Joanna (Rhed Bustamante). Pero magkakahiwalay sila dahil aangkinin ni Earl (TJ Trinidad) si Sophia nang magkaroon siya ng amnesia.
Bukod sa kanyang experiment, kinilala rin daw ni Rafael ang batang aktres na gaganap na anak niya sa serye.
“So ginawa ko, nakipag-bonding ako kay Rhed at hopefully nag-project sa screen na siya talaga 'yung offspring ko,” pahayag ni Rafael.
Nang ikumpara ng press ang kanyang huling role sa Maghihintay Pa Rin, napansin nilang parehas lang ang character niya sa gagampanan niya ngayon sa bagong show.
“Sa Maghihintay Pa Rin, father role rin medyo pero late na sa story pumasok 'yun eh. I mean naging tatay lang siya noong huli na. Dito mula pa sa simula eh,” paliwanag ni Rafael.
Abangan si Rafael Rosell kasama sina Camille Prats, TJ Trinidad at Pauleen Luna sa The Borrowed Wife, starting on January 20 sa GMA Afternoon Prime. -- Al Kendrick Noguera/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: borrowedwife, rafaelrosell
More Videos
Most Popular