ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Celebs, fans, nag-alay ng dasal para kay Vhong Navarro


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naging  trending topic sa micro-blogging site na Twitter ang #PrayForVhongNavarro bunga ng sinapit nitong matinding bugbog sa kamay ng may anim na kalalakihan sa The Fort, Taguig City, noong Miyerkules.
 
Nagpapagaling na sa ospital ang aktor, ayon sa kanyang talent manager na si Direk Chito Rono. (Basahin: Vhong Navarro, na-ospital matapos bugbugin ng 6 na kalalakihan; sasailalim umano sa operasyon)

Sa larawan na lumabas sa internet na kuha kay Vhong matapos bugbugin, makikita ang pamamaga ng mukha nito.

 
Sa isang pahayag na inilabas ni Direk Chito nitong Biyernes,  sinabi nito na mabuti na ang kalagayan ng  actor-TV host pero posibleng isailalim ito sa operasyon.
 
Hindi pa rin malinaw ang buong detalye sa ginawang pag-atake sa aktor na umano'y nagtungo sa isang condo unit sa Taguig dahil sa imbitasyon ng isang kaibigang babae.
 
Kwento ng direktor sa PEP.Ph, itinali at piniringan si Vhong ng mga suspek, binugbog, at hiningan pa diumano ng pera.

“Except that Vhong is badly mauled, ‘no, a, anim yata na tao, tinali siya, tapos inano siya…," dagdag niya.
 
Maging ang ilang Kapuso celebrities at public officials  ay nagpaabot din ng panalangin para sa mabilis na paggaling ng aktor.
 
Mayroon ding fans na naglabas ng kanilang galit sa mga nanakit sa kanilang idolo.
 

 







                                                                                                                -- FRJ, GMA News