ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Wally Bayola, emosyunal sa pagbabalik sa 'Eat Bulaga!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos mawala ng may limang buwan dahil sa kinasangkutang sex video scandal, nagbalik na nitong Sabato sa longest noontime show na "Eat Bulaga!" ang komedyanteng si Wally Bayola.

Masaya ang mga Dabarkads sa pagbabalik ni Wally Bayola sa Eat Bulaga! nitong Sabado na itinaon sa kaarawan ng kaniyang ka-partner na si Jose Manalo. Larawan mula sa FB fan page ng 'Eat Bulaga!'

Naging emosyunal si Wally sa muling pagkakabuo ng kanilang tambalan ni Jose Manalo na kasama niya segment na Juan For All, All For Juan, kung saan kasama rin si Paolo Ballesteros.

Basahin: Wally Bayola: 'Sorry po sa mga nagawa kong kasalanan'

Dahil sa pagbabalik ni Wally, nasagot na ang naging palaisipan nitong Biyernes kung sino ang bubuo sa kabiyak na puso na hawak ni Jose.

Sa Facebook fan page ng Eat Bulaga! naglagay sila ng larawan na may nakasaad na:

"Kasabay ng ating pagbati ng maligayang kaarawan kay Dabarkads Jose, batiin din natin ang pagbabalik ng ating Dabarkads na si Wally Bayola! Welcome Back Dabarkads!"

Nang i-post ang artikulong ito, ang naturang larawan ay nakakuha na ng mahigit 20,000 "likes", mahigit 2,400 comments at mahigit 800 shares.

Marami ang nag-abang kung magbabalik na talaga si Wally sa Eat Bulaga! dahil una itong napabalita noong nakaraang Disyembre pero hindi nangyari.

Nauna nang nagpahayag si Vic Sotto, isa sa mga host ng "Eat Bulaga," na bukas siya sa pagbabalik ni Wally sa programa pero kailangan daw humingi ito ng paumanhin sa publiko kaugnay sa kinasangkutang kontrobersiya.

Basahin:  Vic Sotto says Wally Bayola should apologize over sex video scandal before making comeback

Nitong nakaraang Enero, iniulat naman ang pagbabalik ni Wally sa trabaho bilang stand-up comedian sa establado.

Basahin: Wally Bayola, balik-trabaho na matapos ang kinasangkutang 'sex scandal'

Nitong Biyernes din, dinagsa ng komento ang video post sa Facebook fan page ng "Eat Bulaga" tungkol sa kanilang teaser kung sino ang taong bubuo sa kabiyak na pusong hawak ni Jose.

Basahin: Wally Bayola, babalik na sa 'Eat Bulaga!' sa Sabado?

Sa naturang video, kausap ni Jose si Paolo at nagpalitan sila ng clue kung sino ang posibleng may hawak ng nawawalang kabiyak ng puso na dala ni Jose.

Base sa mga clue, "kilala," "nami-miss," "close," at "nakakasama" ni Jose ang taong may hawak ng nawawalang kabiyak na puso na hawak niya.

Ngunit bukod kay Wally, isa rin sa mga iniisip ng mga nagkomento ay si Eugene Domingo.

Very sweet kasi at itinuturing love team sina Jose at Eugene sa Saturday game show ng GMA na "Celebrity Bluff."

Maging sa Twitter, may ilan din na nagpahayag ng pagnanais na makitang muli si Wally sa "Eat Bulaga" para mabuo muli ang tambalan nila ni Jose. -- FRJimenez, GMA News