advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Actor Roy Alvarez dies of cardiac arrest



Pumanaw na nitong Martes ang aktor na si Roy Alvarez na kabilang sa cast ng GMA afternoon series na "Villa Quintana." Siya ay 63-anyos.

Sa ulat ng GMA news Saksi nitong Martes, sinabing kinumpirma ng kapatid ng aktor ang pagpanaw ni Roy dahil sa atake sa puso.

Sunod-sunod din ang post ng pakikiramay para sa mga naulila ng aktor na aktibo rin pagdating sa pangangalaga sa kalikasan.

Ang aktres na si Maricar de Mesa, nagpost ng mensahe sa Twitter account tungkol sa pagpanaw ng kasama niya sa seryeng "Villa Quintana."


 
Nagpaabot din ng pakikiramay ang batikang aktres at direktor na si Gina Alajar sa mga naulila ng aktor.


Sa isang ulat ng showbiz news online na PEP.ph, sinabing maliban sa pagiging aktor, direktor din at scripwriter sa pelikula, telebisyon, at teatro si Roy.

Napapanood si Roy sa GMA soap na remake ng Villa Quintana, na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Napanood din siya sa nakaraang hit Kapuso primetime series na My Husband's Lover, kung saan gumanap siya bilang ama ni Keempee de Leon.

Ang iba pa nilabasang teleserye sa GMA ni Roy ay ang Amaya, Unforgettable, Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, at Pahiram Ng Sandali.

Pumanaw si Roy habang nagluluksa pa ang industriya ng showbiz sa pagkamatay naman ni Arvin "Tado" Jimenez nang mahulog sa bangin ang sinasakyan niyang bus.-- FRJimenez, GMA News
LOADING CONTENT