ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Direk Gil Tejada, gustong makatrabaho at i-challenge si Marian Rivera


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 
 
Kamakailan ay bumisita ang GMANetwork.com sa taping ng Afternoon Prime soap na The Borrowed Wife. Naroon ang lead stars ng show na sina Kapuso actors Camille Prats at TJ Trinidad. Bukod sa kanila, naabutan din namin ang direktor ng show na si Gil Tejada Jr.

Marami nang teleserye ang nagawa ni Direk Gil sa Kapuso Network tulad ng Kahit Nasaan Ka Man, Mga Mata ni Anghelita, Yesterday’s Bride, Broken Vow, Iglot at Bakekang.

Pero kahit dekada na ang binilang ni Direk Gil sa showbiz, mayroon pa pala siyang hindi nakakatrabaho artista. Ito raw ay si GMA Primetime Queen Marian Rivera, na bida ngayon sa primetime series na, "Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw."

“Si Marian, naiintriga ako sa kanya. Gusto ko siyang i-challenge. That's a part of me as a director," pahayag ni Direk Gil.

Hindi pa raw nabibigyan ng pagkakataon na makasama niya sa isang soap si Marian. Pero kung mangyari daw iyon ay ma-e-excite siyang makatrabaho ang Primetime Queen.

Ayon pa kay Direk Gil, isa pang gusto niyang makatrabahong muli ay ang real life boyfriend ni Marian na si GMA Primetime King Dingdong Dantes.

Kuwento ni Direk, nakatrabaho niya na raw dati si Dingdong noong teenager pa ito. “Dingdong started with me way, way back, AnnaKareNina and TGIS days pa niya,” aniya.

Dagdag ni Direk Gil, magiging isang malaking challenge daw para sa kanya kapag nagkaroon ng pagkatataong magkatrabaho silang muli ni Dingdong.

“I want to see something different. I want to see a different Dingdong. Kasi sa ngayon parang gusto ko siyang makita on a different light as an actor eh. Gusto ko siyang makapag-portray ng isang role na tipong 'yung sa tingin mo [ay] commercial and at the same time challenging sa part ng artista,” saad niya.

“Gusto ko na kapag tiningnan ko siya, dapat kakaiba yung magawa niya kasi that would seal na siya talaga 'yung Primetime King,” dagdag ng direktor.

Abangan natin kung saang proyekto makakatrabaho ni Direk Gil sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera. Pero habang hinihintay natin ang pagkakataong ito, patuloy munang subaybayan ang The Borrowed Wife, weekdays after Villa Quintana on GMA Afternoon Prime. -- Al Kendrick Noguera/Bochic Estrada, GMANetwork.com