ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Louise delos Reyes turning pro diver for ‘Kambal Sirena’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 
Hindi biro ang pinagdaraanang training ni Louise delos Reyes para sa kanyang bagong teleserye na Kambal Sirena.

Aside from acting workshops, tinututukan din niya ngayon ang kanyang swimming and diving lessons, pati na rin ang pagpapaganda ng kanyang katawan.

"More on physical talaga ang nire-ready ko. Kailangan akong maging physically fit, kaya [kailangan ng] diet, exercise, cardio para hindi ako mapagod nang mabilis, tapos exposure sa tubig. In terms of characterization naman, tinutulungan ako nina Direk Dondon [Santos], ng production, ng mga acting coach namin tulad nina Sir Pen at Ate Ana Feleo, kung paano ko maihiwalay 'yung isang character sa isa, kung ano 'yung pagkakaiba nila," pahayag ni Louise nang makapanayam sa Kapuso Month Live Chat kamakailan.

Tuloy-tuloy pa rin ang training niya under diving instructor and actor Jess Lapid, Jr., at malapit na raw niyang makuha ang kanyang license as a professional diver. Very proud ang Kapuso leading lady sa kanyang achievement na ito, lalo na't hindi naman siya ganoon kagaling lumangoy sa umpisa.

"Medyo marunong naman akong lumangoy, 'yung mga tipong kaya ng height ko. Pero kapag mag-float na or malalim na, hindi ko talaga kaya. Nauna akong matutong mag-dive para mawala ang takot ko sa lalim ng tubig, tapos unti-unti nag-aral ako ng lahat ng klase ng swimming at floating."

Kumusta naman si Jess bilang instructor?

"Si Kuya Jess kasi yung striktong instructor at diving master namin na kung ano 'yung sinabi niyang gagawin mo, hindi ka niya ibe-baby, kailangan gawin mo 'yon. Kesahodang takot ka sa tubig o may nangyayari sa 'yo, not unless emergency na talaga. Pero gusto niya talaga kaming matuto at mawala 'yung takot. Sabi niya, natatakot lang kami kaya hindi namin magawa."

Ikinuwento rin niya ang isa sa mga ipinagawa ni Jess sa kanila nina Polo Ravales at Rich Asuncion, her co-stars in Kambal Sirena.

"Maghuhulog siya ng limang piso sa 15 feet tapos kailangan naming kuhanin. 'Yung first five, siya 'yung unang kakain ng lunch. Kapag hindi ka nakakuha ng lima, hindi ka kakain. Palagi siyang may pinapakuha sa amin. Nung natuto na akong mag-dive, sabi niya sa akin, 'Check mo 'yung oxygen sa baba. Tingnan mo kung bukas ba siya.' Ako talaga, assistant ako? Bumaba din naman ako kasi gusto ko rin masanay na nagda-dive ako."

Nagbigay rin ng ilang diving tips for beginners si Louise na nakuha niya mula kay Jess.

Aniya, dapat huwag mag-panic at huwag humiwalay sa grupo. Iwasan din ang mga maaasim na pagkain para hindi magkaroon ng acid reflux kapag nasa tubig na. It's also important to get enough sleep para hindi mahihilo kapag malalim na ang napuntahan mo.

Will Louise delos Reyes' intense training pay off?

Find out in Kambal Sirena, soon on GMA Telebabad. -- Michelle Caligan/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: kambalsirena