ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Marian Rivera, ano ang ibinigay na advice kay Louise de los Reyes?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang showbiz milestone para kay Louise de los Reyes ang kanyang pagganap bilang Perlas at Alona sa upcoming GMA Telebabad series na Kambal Sirena. Anong mga paghahanda kaya ang ginawa niya at ano ang naging payo sa kanya ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera?
Unang napanood si Louise de los Reyes sa Pilyang Kerubin at Tween Hearts. Natanggap niya ang kanyang first big break nang gumanap siya bilang Adana sa GMA Afternoon Prime series na Alakdana. Ito rin ang nagbigay-daan sa unang team-up nila ni Alden Richards.
Matapos mapanood sa mga shows na Iglot at My Beloved, nasundan ng back-to-back teleseryes ang patok na tambalan nila nina Louise at Alden. Gumanap sila bilang Elize at Tisoy sa One True Love at Marilyn at Jerome sa Mundo Mo’y Akin.
Ngayong 2014, ibang Louise na ang mapapanood ng viewers at sa kauna-unahang pagkakataon, makakatambal niya ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica.
Gaganap si Louise bilang ang magkakambal na Alona at Perlas. Ipinanganak sina Alona at Perlas na kakaiba. Si Alona ay isang sirena, habang si Perlas ay may hasang sa likod ng tenga. Mapipilitan silang mamuhay ng magkahiwalay. Sasama si Perlas sa kanilang ina at magtra-trabaho siya sa isang ocean park, habang si Alona ay mananahan sa karagatan, sa kaharian ng Sirenadia. Kapwa iibig sina Alona at Perlas kay Kevin, na ginagampanan ni Aljur Abrenica.
Ayon kay Louise, puspusan ang kanyang paghahanda para sa kanyang double role. Una na diyan ang kanyang diet, na kadalasan ay puro steamed at boiled vegetables.
Nagtraining din siya sa paglangoy at hindi daw ito naging madali para sa kanya.
“Sa dagat [ako lumalangoy], para masanay rin ako kasi iba ‘yung pressure at buoyancy sa dagat, so kailangang kaya mo ring pagaanin at pabigatin ‘yung sarili mo,” anang Kapuso leading lady.
Kuwento pa niya, pinayuhan pa siya ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa kanyang pagganap bilang isang sirena sa teleserye.
Ani Louise, “Palagi akong nagtatanong sa kanya. Ang sinabi niya lang sa akin, basta gawin ko kung ano ‘yung hinihingi ng show at hinihingi ng character kasi noong time niya as Dyesebel, binigay niya ang lahat para wala siyang regrets.”
Hindi itinanggi ni Louise na may pressure talaga para sa kanya, pero sinusubukan niyang maging matatag at gawin ang lahat ng kanyang makakaya para sa ikagaganda ng Kambal Sirena.
“Nandoon ‘yung kaba, pero hanggang kaba na lang siya. Kaya naman. Nagpre-prepare talaga ako para doon,” ani Louise.
Abangan si Louise de los Reyes bilang Perlas at Alona sa Kambal Sirena ngayong Marso sa GMA Telebabad. -- Samantha Portillo/Elisa Aquino, GMANetwork.com
Tags: kambalsirena
More Videos
Most Popular