ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pauleen Luna tungkol sa kasal: 'Hindi naman kailangan madaliin'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sunod-sunod na ang mga showbiz personalities na nagpapakasal at nagpaplano ng kasal.
Susunod na kaya dito sina Pauleen Luna at Vic Sotto? Tinanong ng GMANetwork.com ang Kapuso actress.
“I just let things happen. If it’s going to happen, it will. Hindi naman kailangan madaliin yung processs,” sabi niya.
Ayon kay Pauleen, lahat naman daw ng nasa relasyon, lalo na at seryoso, nangangarap na ikasal balang araw. Pero ayaw niya naman pangunahan ang mga mangyayari.
“I’m not waiting for it, eager for that day. I am just taking it, a day at a time,” paliwanag ng dalaga.
Basahin: Ano ang higit na importante sa relasyon nina Pauleen Luna at Vic Sotto?
Unang nagkasama at nagkakilala sina Bossing at Pauleen sa Eat Bulaga. Noong una, wala raw siya naramdaman sa comedian-actor pero bigla na lang daw nahulog ang kanyang loob dito.
“It was friendship that blossomed into something. Our relationship happened after seven years of being in the show (Eat Bulaga). It was not like love at first sight,” pagbahagi niya.
Paano niya nalaman na mahal niya na si Bossing?
“You just feel it,” ang mabilis niyang sagot.
Basahin: Pauleen Luna, kinilig sa ginawang pag-amin ni Vic Sotto
Nang tanungin kung paano ba maging sweet si Bossing sa kanya, tugon ni Pauleen, “Marami but I think he would be dyahe if I tell you guys.”
Dagdag niya, “Vic is a very sweet person. Medyo stiff lang siya around people but he is a very sweet guy, very vocal.”
Going strong ang relationship ng dalawa, ano nga ba ang sikreto nila for a lasting relationship?
Hindi siya nagdalawang isip na sabihing, “Honesty.”
Sa kanilang relasyon, hindi raw nila hinahayaan na maapektuhan ito ng kanilang trabaho. Pinangangalagaan nila ito dahil ganoon kaimportante ang kung ano ang meron sila. Kaya naman daw naging matibay ang kanilang samahan habang tumatagal.
“We don’t let out industry or our job take over us. We still go back to the basics. ‘Ano bang importante? Ano bang kailangan? I think that’s the key. You guys should be open to each other. At saka hindi namin hinahayaan na kainin kami ng trabaho namin,” pagbahagi niya.
Mapapanood si Pauleen Luna sa Eat Bulaga at sa The Borrowed Wife tuwing hapon. Para sa updates kay Pauleen at sa iba pang artista at shows ng GMA, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com. -- Eunicia Mediodia, Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: pauleenluna
More Videos
Most Popular