ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino, nagpasalamat kay James Yap; nagpahiwatig na may bagong 'partner'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tila maayos na ang lahat sa dating mag-asawang Kris Aquino at James Yap kung pagbabatayan ang bagong mensaheng ginawa ng TV host-actress para pasalamatan ang dating mister sa pag-asikaso sa kanilang anak na si Bimby.
 
Sa larawang inilagay ni Kris sa kaniyang Instagram account, ipinakitang magkasama ang mag-amang James at Bimby. Kamakailan lang ay napaulat na nagkasundo na ang dating mag-asawa kaugnay sa araw na puwedeng makasama ni James ang anak.
 
Basahin: Kris Aquino and James Yap finally reach 'long-term agreement' about Bimby
 
Ayon kay Kris, tunay na pinaghihilom ng panahon ang sugat patungkol sa naging gusot nila noon ni James.
 
Bahagi ng mensahe ni Kris: "A year ago I'd never have thought James Yap would be supportive of 1 of my endorsements. Truly time heals all wounds & when both parents have found new sources of inspiration, there's so much encouragement to treat each other w/ kindness & understanding."
 
Hinihinala ng TV host-actress na nakatulong sa kanila ni James ang pagiging masaya sa kani-kanilang bagong partner.
 
Basahin: James Yap sa bagong love life ng ex-wife na si Kris Aquino: 'I’m happy for her'

"Thank God we've all reached a point of peace. I think it's safe to say that James & I have found happiness w/ new partners, and maybe that's the reason there's no more animosity, just the shared goal to be good parents, because we've all moved forward armed w/ hard earned lessons from heartbreak...," saad pa ni Kris.
 

Kasalukuyang karelasyon ni James ang Italian na si Michela Cazzola, habang pinili naman ni Kris na ilihim muna ang katauhan ng lalaking nagpapasaya ngayon sa kanya.
 
Sa huli, nagpaabot si Kris ng pasasalamat kay James: "And in the end, it's our son who benefits & feels secure. Thank you @jamesyap18."

 
Samantala, sa Instagram account naman ni James, nagpost din ito ng kanyang larawan habang kasama si Bimby na naglalaro sa swimming poll.
 
Mayroon ito caption na: "Swim time with bimby. Every moment counts pag magkasama kami. #fathersonbonding #qualitytime #priceless #blessed #grateful." -- FRJimenez, GMA News