Kris Aquino, inilarawan ang lalaking nagbibigay sa kaniya ngayon ng inspirasyon
Humingi ng pang-unawa at nagpaliwanag ang television host-actress na si Kris Aquino kung bakit hindi niya isinasapubliko ang katauhan ng taong nagbibigay ng inspirasyon sa kaniya ngayon.
Sa pamamagitan muli ng kaniyang post sa Instagram account, sinabi ni Kris na nais sana niyang maging pribado ang kaniyang personal na buhay, bagaman paminsan-minsan ay hindi niya maiwasan na ibahagi ito sa kaniyang social media accounts.
"I can't pretend I haven't read your comments, questions & speculations about my relationship status & part of that is my fault for sharing so much of my heart in these posts, but I want what we have to work so forgive me for choosing to not reveal his identity," paliwanag ng aktres sa kaniyang post.
Ang naturang mensahe ay nakapaloob sa isang quote tungkol sa relasyon na inilagay ni Kris: "A true relationship is two unperfect people refusing to give up on each other."
Gayunman, kapuna-puna na hindi na makita naturang post nitong Martes ng gabi.
Ayon sa dating maybahay ni James Yap, dumadaan pa rin sa pagsubok ang bago niyang relasyon. (Basahin: Kris Aquino, nagpahiwatig na may bagong 'partner')
"We are a work in progress & each day has challenges, yet each day I also feel he encourages me to be a better me," ani Kris.
Patuloy pa niya: "I'm learning understanding, respect, and maturity because he is intelligent, hard working, patient, simple, humble, funny, grounded & stable, YES he is what I've been praying for."
Sa huli sinabi ni Kris na magiging "less personal" na ang mga post niya sa kaniyang social media account bagaman sisikapin niyang hindi naman ito maging boring.
Nagpasalamat din ang tv host-actress sa lahat ng sumusuporta at naghahangad ng kaniyang kaligayan. -- FRJimenez, GMA News