ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

How characters in 'Pepito Manaloto' are created



Maraming manonood ang nakaka-relate sa characters ng hit comedy show na "Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento" dahil sa mga makatotohanang sitwasyon na ipinalalabas dito. Pero paano kaya nabuo ang bawat character at naiiba sila sa isa't-isa?

Kwento ni Michael V.: "Some are accidentally discovered, others evolved, and others ay from the beginning, ganun na talaga."

Aniya, madalas ay may sinusundan silang character bible, ngunit may mga pagkakataong nagbabago ng mga aktor ang ugali ng karakter.

"We do have a bible for every character. Pero minsan, may mga characters na nagta-transform kasi they keep on doing stuff na hindi niyo makikita sa screen. Most of the time kapag magkakasama kami and when we shoot an episode, kung anu-ano mga ginagawa nila eh. And things happen," paliwanag niya.

Isang halimbawa na kinuwento ni Bitoy ay ang pagbabago ng character ni Maria, ang isa sa kanilang mga kasambahay na ginagampanan ni Janna Dominguez.

"Like Maria, is not originally like that. There was this one episode we were shooting, a Halloween episode, doon sa Book 1 pa. We were wearing costumes, and I was wearing a vampire costume. Sabi ko sa kanila, 'Mayroon ka bampira? Mayroon ka bampira?' Everyone was laughing, but Janna was like this (makes face). So we shot the sequence, and after that, break. Sabi ni Janna, 'Ay, gets ko na!' (Laughs) Doon nanggaling ang character ni Maria."

Maaaring mapanuod ang "Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento" tuwing Sabado matapos ang Kap's Amazing Stories. — Michelle Caligan/Elisa Aquino, GMANetwork.com /AF, GMA News