ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ang Holy Week plans ng inyong paboritong Kapuso artists


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Halos lahat ng Pilipino ay nag-aabang sa Holy Week o Semana Santa. Dahil karamihan sa mga kompanya ay walang pasok simula sa Huwebes Santo, pagkakataon ito para magkasama-sama ang buong pamilya sa pagninilay-nilay at maging sa pamamasyal.



Para sa ating Kapuso artists, ito ang panahon na walang taping at maari na silang magbakasyon ng ilang araw. Ang ilan sa kanila ay uuwi sa kani-kanilang hometowns. Narito ang Holy Week plans ng ating Kapuso artists:

Dingdong Dantes: “Kakatawag lang ng travel agent ko, hindi umabot yung visa namin so we’ll look for something else. Nandyan ang Amanpulo, Palawan. Vigan… Nandyan ang bahay ng mommy’t daddy ko sa Quezon City, saka EDSA kasi walang traffic.”

Phythos Ramirez: “Kakagaling ko lang ng out-of-the-country so baka itong summer, bumalik ako sa Cyprus. Or itong Holy Week baka mag-Puerto Galera or Baguio kami ng family. Hindi ko pa sure sa mommy ko pero sabi ko sa kanya by Thursday kailangan mag-Visita Iglesia kami bago kami lumabas. ‘Yon yung yearly talaga naming ginagawa, Visita Iglesia.”

Stephanie Sol: “Hindi pa ako nakapag-book ng ticket pauwi ng CDO (Cagayan de Oro). Siguro dito na lang magbi-Visita Iglesia kasama yung Dad ko.”

Kristoffer Martin: “Baka sa Olongapo lang, nagbi-Visita Iglesia. Tapos minsan lalabas kami, two days, pupunta kung saan-saan basta malayo sa lugar namin.”

Juancho Trivino: “Nasa bahay lang siguro. Resting, spending time with my family. Baka mag-Palawan kami, sa Coron, with family.”

Frencheska Farr: “Pag Holy Week, yung family ko nagbi-beach lang talaga so sama-sama lang kami. Kasi mahilig kami mag-swim. ‘Yon lang talaga ginagawa namin.”

Mike Tan: “Magbo-Boracay kami.”

Kayo, saan kayo pupunta sa nalalapit na holiday? Ibahagi ito sa comments box below. -- CJ Mendoza, Social Media Specialist  
 

Tags: holyweek2014