ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Julian Trono shares his ultimate goal in joining the Hip Hop International competition
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa pictorial ng pinakabagong show ng GMA na Niño, ikinuwento ng Kapuso actor na si Julian Trono ang kanyang ultimate goal kaya siya sumali sa International Hip-hop competition noong nakaraang Pebrero.
Ayon kay Julian, dumayo sa Pilipinas ang mismong competition para maghanap ng qualifiers sa ating bansa. Ginanap ito sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ipinaliwanag ni Julian kung anong klaseng competition ang sinalihan niya. “Hip-hop International. Doon nanalo 'yung Philippine All Stars, 'yung A-Team, The Crew, so parang ano kasi siya eh, isang malaking event, as in big event siya na talagang buong mundo 'yung naglalaban-laban.”
Ito ang unang pagkakataon ni Julian na sumali sa isang international dance competition. Aniya, sinubukan niya raw ang individual freestyle category.
“Freestyle. As in they play random song tapos ikaw nang bahalang magsayaw doon,” saad niya.
Kuwento ni Julian, dahil walang masyadong nakakaalam na sasali siya sa competition, napagkamalan siyang audience sa mismong gabi ng event. Pinauupo pa nga raw siya ng ushers sa front seat. At nang itanong niya kung doon ba mauupo ang mga kasali sa competition, sinabi raw ng mga ito na hindi at itinuro ang holding area ng mga kalahok.
“So doon ako (itinuturo ang holding area ng battlers) , sabi niya, 'Sir, magko-compete po kayo?' Lahat sila nagulat. Tapos sinabi ko na okay lang ba akong mag-compete. Yeah, sabi nila, go,” pahayag ni Julian.
Natapos na ang performances ni Julian at nakarating siya sa pre-semis. Kahit hindi raw siya umabot ng finals, itinuturing pa rin ni Julian itong good start dahil kahit paano ay malayo ang kanyang narating.
Bukod pa rito, hindi naman daw niya hinahangad na manalo sa ganoong kalaking competition. Mayroon daw talaga siyang ultimate goal sa pagsali niya rito. “Gusto ko lang din maka-penetrate doon (sa dancers community) dahil it would take you a lot of time para ma-gain 'yung respect ng mga tao doon. Kasi iba sila, as in ibang-iba 'yung mundo nila,” bahagi ni Julian.
“It was an unforgettable experience for me. 'Yung respect na na-gain ko, as in nilapitan ako ng facilitators, ng dancers na parang respect daw. Kasi nga, it will take you a lot of guts or a lot of courage to compete lalo na at nasa showbiz na ako,” aniya.
Abangan si Julian Trono sa Niño, ngayong Mayo na sa GMA Telebabad. -- Al Kendrick Noguera/Elisa Aquino, GMANetwork.com
Tags: juliantrono
More Videos
Most Popular