Ano ang nagtulak kay Rufa Mae para ipaalis ang silicon sa kaniyang dibdib?
"Yes, finally my boobs all natural." Ito ang inihayag ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto kasunod ng pag-post niya ng larawan sa kaniyang Instagram na nagpapakita ng kaniyang dibdib na may takip na idineklara niyang "silicon free."
Nakasaad sa post ni Rufa Mae na mahigit isang taon na siyang may masakit na nararamdaman sa kaliwang dibdib. Nang ipasuri sa duktor, lumitaw sa Magnetic Resonance Imaging (MRI) na may bukol ito. "Yes finally my boobs all natural am silicon free ! Infairness talagang pasabog makatotohanan ang ganap! Pang tutukan! Saya! Thanks dr. Lacson for taking care of my ganap sa boobs . I've been suffering from pain for more than a yr bec of my left boons so now ok na. I wanna share lang na Kinaya ko ang lahat. Gogogo #booba," caption niya sa larawan. Laking pasalamat naman ng sexy actress na benign o hindi magdudulot ng cancer ang bukol. Basahin: High-fat diets linked to some types of breast cancer Inilagay daw niya ang larawan sa Instagram para malaman ng kaniyang mga follower ang kaniyang pinagdaanan at kinaya niya ito. -- FRJ, GMA News