Pagiging 'star,' nakaguhit nga ba sa palad ni Joey de Leon?
Isa sa pinakamatagal sa showbiz si Kapuso host-actor Joey de Leon. Sa katunayan, halos 45 years na siyang active sa industriyang ito. Kabilang si Joey sa hosts ng longest-running shows ng GMA – ang "Eat Bulaga" na itinuturing na longest-running noontime variety show at ang "Startalk", na longest-running weekly entertainment talk show.
Kasama na si Joey nang magsimula ang "Eat Bulaga" noong 1979. Taong 2005 naman nang pumasok siya sa "Startalk." Siya ba ang may dala ng suwerte?
Ni-reveal ni Joey sa GMANetwork.com na posibleng nasa palad niya ang kasagutan. Panoorin ang exclusive video sa naturang panayam sa itinuturing entertainment guru ng Pilipinas.
Patuloy na subaybayan si Joey de Leon sa "Eat Bulaga" during weekdays at sa "Startalk" tuwing Linggo. -- Al Kendrick Noguera/Regina Bengco, GMANetwork.com