ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Payo ni Glaiza de Castro: 'If you really want something, work on it'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sino ba ang hindi makakalimot sa mga kontrabida role na binigyang buhay ni Glaiza de Castro sa harap ng telebisyon?
Kinainisan siya ng mga Kapuso viewers bilang Eunice sa Filipino adaptation ng Stairway to Heaven at mortal na karibal siya ni Marian Rivera when she played Heidi sa Temptation of Wife.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Glaiza noong May 22, nagkuwento ang Kapuso actress ng most memorable experience niya bilang isang estudyante, “Siguro noong first year high school ako, since galing kasi ako sa elementary na konti lang kami. Ito 'yung first regular school ko na marami kami, so ano ako noon eh aloof, medyo ninenerbyos ako na ang daming tao 'kong namemeet,”
“So ang ginawa ko, nagdala ako ng dyaryo, 'yung broadsheet tapos nagbasa ako sa ilalim ng puno,” natatawang kuwento ng Kapuso Actress.
“Para walang pressure na makipag-mingle ako sa tao sobrang weirdong-weirdo daw yung mga kaklase ko that time. Parang sino ba ‘tong nasa ilalim ng puno kulang na lang magkape siya para magmukhang nanay,” dagdag niya.
Ayon kay Glaiza bagama’t nasa showbiz na siya noong nag-aaral, she made an extra effort to keep up with her school work.
Hindi nakapagtataka na nagamit ni Glaiza ang angking kasipagan nito sa pag-aaral para paghusayan pa ang kanyang talento bilang artista.
Ang Kapuso actress ay kabilang sa mga celebrities na maituturing na all-around dahil marunong siyang umarte, sumayaw at kumanta.
“Kasi nung time na nag-aartista na ako, medyo mahirap yung magbalance ng schedule tapos kailangan mo mag make time to really study and to update kung ano man 'yung napag-aralan kasi minsan nakakamimiss ako ng mga lessons namin,” paliwanag niya.
Hamon pa ni Glaiza para maabot ng mga mag-aaral ang pangarap nila, “So I make it a point na umeffort sa mga teachers to have me updated sa mga lessons tapos focus lang talaga eh if you really want something, you work on it”.
Watch out for more news about Glaiza de Castro and other Kapuso stars by logging on to www.gmanetwork.com. -- Aedrianne Acar/Elisa Aquino, GMANetwork.com
Tags: glaizadecastro
More Videos
Most Popular