ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Janno Gibbs gets 'perfect' project for a reunion with Manilyn Reynes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Magbabalik on-screen this June ang ‘80s love team nina Janno Gibbs at Manilyn Reynes sa show na My BFF.

Para kay Janno, big deal ang pagbabalik-tambalan nila ni Manilyn.

“Excited, kasi matagal na rin kaming hindi nagsasama. I’m holding out. Naghihintay talaga ako ng magandang project para magbalik yung team-up namin. This is the right project. Perfect,” sagot ni Janno.

Aniya, “Tamang-tama ngayon kung nasaan kami sa buhay namin. We’re both parents na. We’re both family people already. Swak na swak sa istorya.”

Gagampanan ni Janno ang pagiging daddy kina Jillian Ward at Mona Louise Rey sa upcoming drama series. Kilalanin ang iba pang stars ng My BFF sa video na ito.

Kwento niya, “I play Christian, the dad nina Jillian at Mona. Architect siya, struggling architect, as the story goes on, mag-i-improve sa buhay. Asawa ko si Manilyn. ”

Bukod pa rito, nakaka-relate raw si Janno sa karakter ni Christian dahil in real life meron din siyang dalawang anak na babae.

Dahil malapit na ang Father’s Day tinanong din namin siya kung ano ang bonding moments nila ng kanyang mga anak.

“Lately, I’ve been enjoying Father’s Day. Malalaki na ang kids ko. Nag-iba na ang relationship namin. Parang barkada mo na, mas marami na kayong nashe-share,” pagbahagi niya.

Ang last show na ginampanan ni Janno sa GMA ay ang Paraiso Ko’y Ikaw kung saan isa siyang mangingisda na kumupkop sa karakter ni Kristoffer Martin. Nagkasama rin niya sa Pyra Babaeng Apoy ang Protégé winner na si Thea Tolentino.

Malalayo raw ang characters na kanyang ginampanan bago rito.

“This time architect, career father, dealing with family life. There are heavier scenes than nagawa ko before, may mga breakdown in some scenes,” sabi niya.

Dagdag pa niya, “Comedian talaga ako so hindi ako sanay sa heavy scenes. Although in person, personally, emotional talaga ako. Pero pagdating sa scenes di ako sanay. I try my best. Nilalagay ko lang ang sarili ko sa situation. Magagaling pa ang mga kasama ko so nadadala rin ako.”

Napahanga rin si Janno sa pag-arte nina Jillian at Mona. “Mas magaling pa iyong dalawa sa akin. Sila dapat ang mag-advice sa akin, mas sanay pa sila sa mga drama.”

Pero pagdating naman daw sa comedy, pwede raw siyang magbigay sa kanila ng punch lines. - Eunicia Mediodia, GMANetwork.com