ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Thea Tolentino on Andre Paras: 'Boyfriend material siya'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

First time nagkasama sa isang project sina Kapuso actors Thea Tolentino at Andre Paras. Ayon sa aktres, mayroong siyang ine-expect sa tambalan nilang dalawa sa The Half Sisters.
“Naglu-look forward ako na magkaroon naman ng kilig scenes with Andre,” pahayag ni Thea.
Kuwento ni Thea, noong unang raw ay nahihiya siyang lapitan si Andre dahil mukha itong masungit. Pero noong nagtagal at ilang beses na silang nagka-eksena, nawala raw ang kanyang hiya sa bagong love team dahil lumabas na rin ang kalog sa katawan nito.
“Sa nakikita ko kapag offcam, kapag hindi siya nakangiti, para siyang seryosong tao. Pero once na ngumiti siya, parang kenkoy na siya. Tapos napaka-kenkoy nga talaga niya,” saad ni Thea.
Ayon pa kay Thea, habang tumatagal ay nagugustuhan niyang nasa tabi niya lagi si Andre.
Aniya, “Nakakatuwa siya. Siya 'yung parang gusto mong kasama araw-araw kasi napapatawa ka niya eh. Kahit anong gawin niya eh may pitik eh!”
Single ngayon si Thea kaya’t tinanong namin sa kanya kung boyfriend material ba ang tingin niya kay Andre. “Sa nakikita ko para sa'kin, oo boyfriend material siya," sagot niya.
Bukod sa first time ni Thea na maitambal kay Andre, first time niya rin papasok sa isang love triangle. Magiging hadlang kasi ang role ni Barbie na si Diana kina Ashley at Bradley.
Pero ayon kay Thea, kahit na kontrabida siya ay umaasa pa rin siya na ang characters nila ni Andre ang magkatuluyan. Saad niya, “Kasi sa nangyayari ngayon [sa istorya], ang nagkakamabutihan ay sina Andre at Barbie. So inaabangan ko na lang. Usually ‘di ba kapag kontrabida ka, hindi mo talaga nakukuha 'yung lalaki.” -- Al Kendrick Noguera/Elisa Aquino, GMANetwork.com
Tags: theatolentino, andreparas
More Videos
Most Popular