ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Direk Jose Javier Reyes, dismayadong hindi idineklarang national artist si Nora Aunor


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang batikang direktor na si Jose Javier Reyes na hindi nakasama ang multi-awarded actress na si Nora Aunor sa mga idineklarang national artists ng Malacañang ngayong 2014. Nitong Biyernes, anim na bagong national artists sa iba't ibang sining ang idineklara ng Palasyo. (Basahin: Aquino names six new National Artists) Ang mga bagong hinirang na pambansang alagad ng sining ay sina Cirilo Bautista (panitikan), Alice Reyes (pagsayaw), Francisco Feliciano at Ramon Santos (musika), Francisco Coching (visual arts) at Jose Maria Zaragoza (arkitektura). Una nito, iniulat na kasama sa listahan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) bilang nominado sa pagiging national artist si Nora para sa larangan ng pelikula. Sa kaniyang Twitter account, sinabi ni Direk Joey na dismayado siya na inalis sa mga rekomendado bilang national artist si Nora.  

Maging ang television executive na si Percy Intalan ay nalungkot na hindi nahirang si Nora bilang pambansang alagad ng sining ngayong taon. Gayunman, tiwala pa rin siya na maigagawad ang naturang mataas na pagkilala sa aktres sa darating na panahon.   Samantala, tumanggi si deputy presidential spokesperson Abigail Valte na magbigay ng pahayag kung bakit hindi nakasama sa listahan ng mga hinirang na national artists ngayong taon si Nora. “I was not part of the deliberations with the President on the conferment of the award of National Artists,” paliwanag ng opisyal sa panayam ng dzRB radio. Hindi pa inaanunsyo ng pamahalaan kung kailan ipatatawag sa Palasyo ang bagong anim kikilalaning national artists ng bansa. -- FRJimenez, GMA News