ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alamin ang payo Maricel Soriano na hindi makakalimutan ni Marian Rivera


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Hindi lang pang drama, comedy o sayawan si Marian Rivera. Isa na ring ganap na TV host ang Kapuso Primetime Queen at napatunayan niya iyan sa kanyang interview kay Diamond Star, Maricel Soriano sa “Marian”.

Unang nagkakilala at nagkatrabaho sina Maria at Marian sa set ng pelikulang Bahay Kubo kung saan gumanap sila bilang mag-ina.

Magmula noon, naging malapit na sila at itinuturing na rin ni Marian na kanyang “inay” si Maria sa industriya.

Marami ring pagkakapareha ang dalawa. Bukod sa pareho silang reyna ng dancefloor at kapwa award-winning sa larangan ng pag-arte, pareho rin silang gumanap bilang Super Inday.

Kuwento ni Marian sa kanyang dance show,“Bago ako mag-Super Inday, pinuntahan ko siya sa bahay. Ininvite niya ako, so nagbigay-pugay ako sa kanya bilang pasasalamat dahil siya naman talaga ang original na Super Inday.”

Ano ang pinakaimportanteng aral na natutunan ni Marian mula kay Maria?

Anang most beautiful dancing diva, “Si inay, isa lang ang sinasabi niya sa akin- mahalin ko yung trabaho ko, kung ano iyong binigay sa akin ng Diyos dapat pahalagahan ko.”

Dagdag ni Marian, hinding hindi niya malilimutan ang payo ni Maria tungkol sa pagiging matatag.

“Siya ang nagsabi sa akin na may mga tao talagang hindi mo mapi-please kaya hayaan mo nalang sila,” aniya, sabay hair flip. - Samantha Portillo/Elisa Aquino,GMANetwork.com