ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gabby Concepcion's ex linked to 'Pidal'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ongoing na ang annulment case ni Grace Ibuna-Javier laban sa kanyang asawa. Naging bahagi ng showbiz si Grace dahil ex-girlfriend siya ng aktor na si Gabby Concepcion at nagpaplano rin na maging singer ang kanilang love child na si Gabrielle. Pinagpistahan noon ng entertainment press ang relasyon nina Grace at Gabby. Kontrobersyal muli si Grace dahil iniuugnay ang kanyang pangalan kay House Representative Ignacio "Iggy" Arroyo a.k.a. Jose Pidal, ang nakababatang kapatid ni First Gentleman Mike Arroyo. Ongoing na rin ang annulment ni Congressman Arroyo laban sa kanyang asawang si Aleli Arroyo na nag-aakusa na may relasyon si Grace at ang kanyang mister. Nagdiwang ng 18th birthday noong December 23, 2006 sa isang five-star hotel si Gabrielle. Hindi man nakadalo si Gabby, dumating naman sa debut party ang kanyang ama, si Rollie Concepcion. Kabilang si Congressman Arroyo sa mga bisita nang gabing 'yon at sa interview ng S-Files kay Grace, hindi nito kinumpirma at lalong hindi siya nag-deny tungkol sa pag-uugnay sa kanya kay "Jose Pidal." Pilit na itinanong ni Grace sa staff ng S-Files kung sino ang "bubuwit" o source nila? Wala man siyang kinumpirma sa tsismis tungkol sa kanila ni Congressman Arroyo, sinabi ni Grace na masaya ang kanyang lovelife. Ang pagpapa-annull ni Grace sa kasal nila ng kanyang low-profile estranged husband ang lalong nagpaingay sa balita na more than friends ang relasyon nila ng controversial solon. - Philippine Entertainment Portal