Kaso ng 'sextortion' o 'blackmail'?: Paolo Bediones, nagpakita ng sulat tungkol 'sex video'
Sa pamamagitan ng post sa kaniyang Instagram account, ipinaalam ng news anchor na si Paolo Bediones ang ginawa niyang pagdulog sa mga awtoridad para alamin kung sino ang nagpakalat ng kaniyang sex video sa internet.
"At the PNP-Anti Cybercrime Division. Investigation has begun. Please help me put a stop to this. Thank you," nakasaad na caption sa larawan na nakapost sa kaniyang Instagram.
Sa larawan, makikita naman ang logo ng Anti-Cybercrime Division ng Philippine National Police (PNP) at isang sulat na tila patungkol sa kumalat na sex video ni Paolo.
Nakasaad sa sulat na, “Hawak ko ngayong ang mga sex videos mo. madali naman akong kausap! Kung ayaw mong lumabas ito sa publiko, tawagan mo ako.” Antayin ko tawag mo! Wag mo patagalin mainipin ako."
May nakalagay ding cell phone number sa larawan pero sadyang nilabuaan ang mga numero sa post.
Basahin: Derek Ramsay, tiwalang makababangon si Paolo Bediones sa harap ng sex video scandal
Basahin: TV5 backs Paolo Bediones amid alleged sex video scandal
Nitong nakaraang Linggo unang napaulat ang pagkalat ng sex video sa social media.
Sa kabila nito, nagpatuloy naman sa kaniyang trabaho si Bediones bilang news anchor ng TV5.
Naglabas din ng pahayag ang pamunuan ng TV5 na nagsasaad ng kanilang patuloy na suporta kay Bediones. -- FRJimenez, GMA News