advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Pinoy dance crew, wagi sa World Hip Hop Championship


Nasungkit ng pambato ng Pilipinas na A-Team ang gintong medalya para sa megacrew division sa idinaos na 2014 Hip Hop International World Championship.
 
In-upload ng YouTube user na si Raphael Jose ang video ng sayaw ng A-Team para manalo sa kumpetisyon.



Ang panalong ito ang unang pagkakataon na naiuwi ng Pilipinas ang medalya para sa megacrew division. 
 
Matatandaang naipanalo ng The Crew ang Adult Crew category noong 2012, habang nanalo sa parehong kategorya ang Armistice noong 2011, at Philippine All Stars noong 2009, 2008 at 2006. Nakuha naman ng C.I.D.G. ang medalya sa Varsity Crew category noong 2007.
 
Nagsimulang magpakitang-gilas ang A-Team sa Slimmers World Step-Up Philippines noong 2011, at patuloy nang namayagpag sa mga kompetisyon sa iba't ibang bansa tulad ng Singapore, Estados Unidos at Australia. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
LOADING CONTENT