ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Child star Zarah Mae Deligero: Magaling, propesyunal, mabait


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 
Bata pa lamang ay may ibubuga na. ‘Yan ang comments ng co-stars ng child actress na si Zarah Mae Deligero sa Dading.

“Nakakatuwa, she acts like she's 20 na,” pahayag ni Dading star Gabby Eigenmann.
 
Kuwento ni Gabby, naaaliw raw siya kapag kaeksena niya si Zarah Mae. “She's very professional. Nagugulat nga ako sa kaniya eh,” aniya.
 
Dekada na rin ang binibilang ni Gabby sa showbiz. Kaya naman nagulat siya sa pag-arte ni Zarah Mae na baguhan pa lamang sa industriya. Aniya, “She memorizes her lines, she delivers her lines like as if matagal na siya sa industriya. Nakakaaliw. Wala naman kaming problema.”
 
Marunong din daw mag-focus ang bata kapag kailangan.

“Pagdating sa set, 'pag 5, 4, 3, 2, even if 'pag nag-cut, basta when she steps on the set, tahimik lang siya,” saad ni Gabby.
 
Dagdag pa niya, “Pero kunyare kapag nasa tent, she is really madaldal. Eh lately ko lang na-realize na ang daldal-daldal niya.”
 
Ayon pa kay Gabby, close na raw sila ni Zarah Mae ngayon. Mahiilig daw kasi siya sa mga bata at madali siyang ma-attach sa mga ito.
 
Talagang marami ang nakakapansin sa talent ni Zarah Mae. Hindi lang kasi si Gabby ang nagagalingan sa kanya. Kahit si Kapuso actress Glaiza de Castro na nanay niya sa Dading ay na-amaze rin sa child actress. -- Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com