ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tom Rodriguez, itinuturing tutor sina Carla Abellana at Dennis Trillo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 
Kumpara kina Carla Abellana at Dennis Trillo, baguhan pa lamang sa showbiz si Tom Rodriguez.
 
Lumaki si Carla sa showbiz dahil parehong artista ang kanyang mga magulang, habang mahigit isang dekada nang umaarte si Dennis.
 
Noong nakaraang taon, pinag-usapan ng lahat ang My Husband’s Lover, ang kontrobersyal at award-winning na soap na pinagbidahan nilang tatlo.
 
Ngayong taon naman ay nagbalik-tambalan ang TomCar para sa My Destiny. Sa soap na ito nagka-developan ang dalawa at kung saan umamin sila na sila’y nag-de-date
 
Lubos na humahanga ang laking-America na si Tom sa kanyang co-star at kaniyang liniligawan
 
“Maganda saka magaling. Saludo ako [at] ang dami kong natutunan [sa kaniya]. Nang dahil sa kanila ni Dennis, naging madali work experience ko sa My Husband’s Lover, at mas pinapadali [ni Carla] ngayon sa My Destiny,” sabi niya.
 
Para kay Tom, napaka-suwerte niya at dalawang napakahusay na artista ang tumulong sa kanyang mas mapabuti ang kanyang kakayahan sa pag-arte.
 
“Ang dami kong natutunan [at natututunan]. Award-winning actress [siya] at kasama si Dennis Trillo, [isang] award-winning actor. Ang swerte ko naman, sila 'yung tutor ko,” aniya. -- Mary Louise Ligunas, Elisa Aquino, GMANetwork.com