ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'Person of interest' sa pagpatay sa ina ni Cherry Pie, hawak na ng QCPD
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ang person of interest na maaaring magbigay-linaw sa nangyari noong araw ng pagpaslang sa 75 anyos na si Zenaida Sison, ang ina ng aktres na si Cherry Pie Picache.
Nilinaw naman ni QCPD Spokesperson Sr. Insp. Maricar Taqueban na hindi pa ganap na tinutukoy kung suspek ba o saksi ang person of interest.
Higit sa dalawang tao ang tinitignan ng QCPD kay Sison.
Dagdag pa sa ulat ng QCPD, pawang kakilala ng biktima ang mga suspek na kanilang tinitignan. Gayunpaman, napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na nagkaroon ng "forcible entry" o sapilitang pagpasok sa bahay ng biktima.
Natagpuan sa crime scene ang ilang bareta at mga putol na kahoy na maaaring ginamit sa panloloob.
Bukod pa rito, posibleng pagnanakaw raw ang motibo ng krimen, ngunit sa ngayon, hindi pa natutukoy ang kabuuuang halaga ng mga nalimas ng suspek, ayon kay Taqueban.
Hindi pa rin nagpapaunlak ng panayam ang pamilya ni Cherry Pie Picache, ngunit nagpaabot na sila ng pakikipagtulungan sa pulisya at umaasang matutukoy na rin ang may kagagawan ng karumaldumal na sinapit ng ina.
Nananawagan naman ang QCPD sa mga Pilipino na ipagbigay-alam ang anomang impormasyong maaaring makatulong sa pag-usad ng imbestigasyon.
Para sa mga nais makipagtulungan sa pulisya, maaaring tawagan ang QCPD sa kanilang hotline na 435-2703. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: cherrypiepicache
More Videos
Most Popular