ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
John Prats organizes a flash mob to propose to girlfriend Isabel Oli
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
(Sina John Prats at Isabel Oli ang bagong dagdag sa listahan ng celebrity couples na na-engage ngayong taon. Ngayong gabi, September 24, ay nag-propose na si John, 30, kay Isabel, 32, sa Eastwood Citywalk, sa Quezon City. Photo: Courtesy of Nice Print Photography)
Sina John Prats at Isabel Oli ang bagong dagdag sa listahan ng celebrity couples na na-engage ngayong taon.
Nangyari ang alok na kasal ni John, 30, kay Isabel, 32, nitong Miyerkules sa Eastwood Citywalk, sa Quezon City.
Ayon sa salaysay ni Charisse Santillan-Tinio ng Nice Print Photography sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, ang buong akala ni Isabel ay magsa-shopping lang sila ni Camille Prats, nakababatang kapatid ni John.
Habang naglalakad ay nakita nila ang maraming tao sa gitna ng Eastwood Citywalk kaya nakiusyoso ang dalawa.
Basahin: Isabel Oli, inaming napag-uusapan na nila John Prats ang kasal pero...
Nakita nila ang maraming taong nagsasayaw, ngunit nagulat si Isabel nang lumabas si John at nakisayaw rin.
Pagkatapos nito ay ipinalabas na sa higanteng video wall ang mensahe ni John para kay Isabel na sinundan ng fireworks sa paligid ng mall.
Nang matapos ang fireworks ay lumuhod si John sa harapan ni Isabel at inilabas ang isang maliit na kahon na naglalaman ng singsing.
Dito na nag-propose si John, at umiiyak namang sinagot siya ni Isabel ng "Yes!"
Bukod sa kani-kanilang pamilya, naging saksi rin sa proposal ni John kay Isabel ang mga kaibigan nila; kabilang na sina Sam Milby, Angelica Panganiban, at Chynna Ortaleza. -- Erwin Santiago, PEP
More Videos
Most Popular