ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Piolo Pascual admits son underwent DNA test


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Paiwas na kinumpirma ni Piolo Pascual ang napabalitang nagpa-DNA test ang anak niyang si Iñigo.
 
Natanong si Piolo tungkol dito sa ginanap na press conference para sa taunang SunPiology Run ng Sun Life kahapon, October 6.
 
Dito, kinumpirma ni Piolo ang sinabi ng kanyang kapatid na si Chiqui Gonzales sa isang special report ng E! News Asia tungkol sa aktor.
 
“Yes. Pero huwag na natin pag-usapan. I don't wanna build up the issue,” maikling pahayag ng Hawak Kamay actor.
 
Ayon kay Piolo, hindi niya alam na magsasalita ang kapatid tungkol sa isyung ito, na ipinalabas noong September 28.
 
Sabi niya, “Hindi ko alam na my sister talked about it sa [E! News Asia], at kasama ko yung anak ko noon.
 
“I was cringing kasi hindi ko naman alam na lalabas 'yon sa E!
 
“Pero siyempre, he's my own blood.”
 
Napag-usapan ang tungkol sa DNA testing nang tanungin si Piolo ng entertaiment editor na si Janiz Navida kung napaghahandaan na niya ang kanyang last will and testament.
 
Sagot ni Piolo, “I'm working on it.”
 
Nabanggit din ng aktor na ang main beneficiary niya ay ang kanyang ina.
 
Biro pa niya, “Unahan kami ng nanay ko kung sino ang mauna sa amin. Kapag siya, e, di papalitan ko.”
 
Pagdating naman sa anak, tiniyak niya na si Iñigo lamang ang nakalistang beneficiary.
 
Kung sakaling may iba pa raw na lumabas, natatawang sabi ni Piolo, “DNA lang ang katapat nun. Ano 'yon, ganun-ganun lang?” — Nerisa Almo, PEP
 
 
Tags: piolopascual