ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cherry Pie Picache, natuwa sa pagkakaaresto sa suspek sa pagpatay sa kanyang ina


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nag-post ang aktres na si Cherry Pie Picache sa kanyang Instagram nitong Miyerkules ng isang pasasalamat sa mga naging daan sa pagkakaaresto sa suspek sa pagpatay sa kanyang ina.
 
 
 
Loading

In behalf of my family, ang aming taos pusong pasasalamat sa lahat ng tulong ninyo!!! For all those who retweeted, reposted, the diff News show, Kuya Boy, Kris.. Sta. Rosa authorities. Sayo na naglakas loob to report, we will thank you personally soon. Pls continue to pray for us. Our justice has just started. Praying he will be convicted the soonest time. Muli, our gratitude. To God be all the glory. Mama, this is for you??????????
 

View on Instagram
 


Matapos ilabas sa publiko ang pangalan at larawan ng suspek na si Michael Flores, naaresto ito noong Martes ng gabi sa Laguna. 
 
Dagdag pa ni Cherry Pie sa kanyang post, “Our justice has just started. Praying he will be convicted the soonest time. Muli, our gratitude. To God be all the glory. Mama, this is for you.”
 
Noong September 19, natagpuang patay ang ina ni Cherry Pie na si Zenaida Sison, 75, at puno ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan.
 
Samantala, pinaniniwalaang mayroong mga kasabwat si Flores ayon sa pahayag ng mga testigo. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBI hinggil dito.
 
Hinihinalang pagnanakaw ang motibo ng krimen dahil sa nagsiwalaang pera at alahas sa bahay ng biktima. — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News