ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Asia Agcaoili finally forgives father


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Namatay noong April 9 ang ama ng sexy star-TV host na si Asia Agacoili. Fifty-four years old nang pumanaw ang ama ni Asia na si Sebastian Agcaoili, Jr. dahil sa atake sa puso. Ani Asia, "It feels weird dahil hindi naman kami ganun ka-close and summing up, ako 'yong pinakagalit sa kanya dahil doon sa hindi magandang nangyari noong bata pa kami. Noong Monday siya namatay kaya parang blurred 'yong feeling ko because parang, you know, hatred and at the same time, loss." Asia describes her dad as a violent father and alcoholic nung nabubuhay pa raw ito. "Nung nakita ko na siya sa funeral, siyempre sinabi ko na 'yong mga monologue ko habang nag-iiyak ako. Tapos, Tuesday, that was the time na ibinuhos ko na lahat ng sama ng loob ko and everything. Napatawad ko na siya at pakiramdam ko, napatawad na rin niya ako. May nagsabi nga, naging maaliwas ang mukha niya [her father] pagkatapos kong madalaw," kuwento ni Asia. Ayon kay Asia, year 2001 pa sila huling nagkita ng kaniyang ama at hindi pa sinadya ang nasabing pagkikita nila. Ito raw 'yong panahong may karamdaman ang kanyang ama at nangangailangan ito ng pera para sa pagpapagamot. Samantala, anim na buwan na rin ang nakalilipas mula nang wakasan ni Asia ang relasyon nila ng kanyang Australian boyfriend na si Michael Selignan na tumagal ng tatlong taon at kalahati. "I saw that he wasn't the same Michael that I met before. In the sense that this country is not really for him, you know," paliwanag ni Asia. Dagdag pa niya, "He has many opportunities outside. Feeling ko kasi, ako 'yong priority niya and he has so many potentials. I believe in him so much and I know for a fact that he will succeed and I wanna see him succeed." Nabanggit din ni Asia na walang third party sa kanilang hiwalayan at lalong hindi ito gumagawa ng excuse dahil nagsasawa na siya sa pakikipagrelasyon sa Monaco-raised boyfriend. "Oh, no, no, no! It's not that! You know, I never ever believed anyone as much as I believed in him, you know," diin niya. Hindi kaya she grew tired of him? "No. I know myself. If I grew tired with someone at an instance, I will not get in touch with you, I wouldn't care," sabi niya. Mayroon pa kayang pag-asang magkabalikan sila? "We'll see," maikling sagot niya bilang pagtatapos. - Philippine Entertainment Portal

Tags: asiaagcaoili