ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maegan Aguilar ‘beaten’ by live-in partner — best friend


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Binugbog diumano si Maegan Aguilar ng kanyang live-in partner na si Ali noong November 8.

Ito ay base sa Facebook post ng best friend ni Maegan na nagngangalang si Maria Silorio.

Saad pa ng status ni Maria: "My Bestfriend Maegan Comet Aguilar recieved this nasty beating as a "parting gift" from her live-in partner when she firmly tried to end their relationship.

"Ali is an alcoholic that often reaches a violent black out state & beats up my friend & threatens her life.

"Hindi daw po agad-agad nagpa-blotter or nagsumbong si Ate Maegan sa barangay o sa pulis dahil ayaw nya pong lumabas itong parte ng buhay nya sa publiko.

"Pero ito pong huling insidente ay nagdulot po talaga ng kritikal na kalagayan sa kanya.

"Sa ngayon po mukhang dislocated ang right arm ni Ate Maegan at kitang-kita din po na lamog sa bugbog at pasa ang likod at hips nya dahil sa pagtilapon sa kanya ni Kuya Ali ng magpumilit itong umuwi sa condo ni Ate kaninang 2:45am."

"#AteMegsToldMe #ToPostthis #OnPublic" Kalakip ng Facebook post na ito ang anim na larawan kung saan makikitang may neckbrace si Maegan habang nakasakay sa stretcher.


A screenshot from an FB post of "beaten" Maegan Aguilar. --Pep.ph

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Maria, sa pamamagitan ng Facebook messaging, para sa karagdagang detalye sa masaklap na nangyari sa kanyang kaibigang si Maegan.

Si Maegan ay anak ng legendary folk singer na si Freddie Aguilar. — Pep.ph