ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Primetime King Dingdong Dantes invades 'Bet ng Bayan' this Sunday
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa darating na Linggo (November 16), ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang isa sa mga uupong judge sa Northern Luzon Regional Showdown ng Bet ng Bayan.
Walang makalalampas sa mapanuring mata ng veteran StarStruck host at makakasama rin niya ang mga institusyon sa larangan ng musika na sina Kuh Ledesma at Jim Paredes. Sino kaya ang magiging bet nilang tatlo?
Abangan niyo rin ang mga magpapasiklaban sa kantahan ngayong Huwebes na sina John Andrew Manzano, Roxette Malamion at Rocelle Nava.
Makikilala niyo si John Andrew, ang balladeer-turned-pop rock singer, na nagsusumikap magkaroon ng singing career para mapagamot ang lolo niyang may sakit.
Alamin kung bakit si Rocelle na tubong Ilocos Sur ay patok sa mga lamay.
Mamamangha rin kayo sa determinasyon ni Roxette from Baguio city na matapang na hinarap ang sakit niyang rheumatic heart disease at pilit pa ring inaabot ang pangarap niyang maging sikat na performer.
Lahat ‘yan mapapanood niyo sa Bet ng Bayan daily updates sa GMA Telebabad pagkatapos ng Ilustrado.
At sa Linggo ng gabi, tunghayan ang Bet ng Bayan Northern Luzon Regional Showdown hosted by Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid and Alden Richards pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho. -- Aedrianne Acar, GMANetwork.com
Tags: betngbayan, dingdongdantes
More Videos
Most Popular