We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ganap nang mag-asawa ang aktres at singer na si Aiza Seguerra at ang film and theater actress na si Liza Diño matapos isagawa ang seremonya nitong December 8 sa San Francisco, California.
Dinaluhan ito ng kani-kanilang mga kaanak at kaibigan.
Ilang araw bago ang kasal, nag-post ang ngayo'y mag-asawa ng ilang larawan na nagpapakita ng kani-kanilang Do-It-Yourself projects para sa kanilang special day.
Ibinahagi rin nila ang ilang pre-nup photos kung saan binalikan nila ang ilan sa pinakamemorable na pagkakataon sa kanilang relasyon.
Ikinuwento ni Aiza sa isang Instagra, post kung paano naging malaking bahagi ang University of the Philippines, kung saan sila nag-aral, sa kanilang love story.
“Dito tayo unang nagkita ulit. Dito tayo nag-dedate. Dito kita tinanong kung gusto mo ba akong makasama habang buhay. Dito mo ako sinagot ng "Oo". Ilang araw nalang, magkaka totoo na ang pangarap natin. Ang pangarap ko. Excited na ako.”
Samantala, ibinahagi naman ni Liza kung paano tinanggap ng kanyang 6-year-old daughter ang kanilang sitwasyon.
Aniya sa isang post sa Instagram, “She had endless questions about the gender issue. I said there different kinds of love--there's a mommy and daddy, like what she always sees, but love can also happen between a mommy and mommy or a daddy and daddy. She paused a moment then said "...as long as you have meaningful love. That's what you and Baba have, meaningful love." I almost choked into tears.”