Ogie Alcasid, Regine to do a GMA film
May isinulat palang storyline si Ogie Alcasid para sa isang pelikula na pagsasamahan nila ng rumored girlfriend niyang si Regine Velasquez na ipo-produce ng GMA Films. Ayon sa aming source ay hinihintay na lang daw ng GMA Films na matapos ni Regine ang pelikula niya with Piolo Pascual sa ilalim ng Viva Films at Star Cinema, ang Paano Kita Iibigin. Si Dominic Zapata raw ang napipisil magdirek ng Ogie-Regine movie na hopefully ay sa June na raw magsisimula ang shooting. Coincidentally ay may ia-announce daw si Ogie na isang importanteng bagay sa June. Marami ang naghahaka-haka na baka ito na raw ang announcement na tuluyan na silang naghiwalay ng kaniyang misis na si Michelle Van Eimeren na presently ay sa Australia na nakatira kasama ang dalawang anak nilang sila Leila at Sarah. Habang wala pa ang announcement na âyan, pahulaan pa rin kung ano âyon. Wish lang ng mga close kay Ogie na isang positive news ito para sa lahat. Anyway, aalis pala si Ogie for an eight-city concert tour sa US and Canada kasama si Ai-Ai delas Alas. Sana raw pagbalik niya ay masimulan na ang shooting nila ng movie dahil baka umalis naman daw si Regine sa July for a series of shows abroad. - Philippine Entertainment Portal