John ‘Sweet’ Lapus unfriends ‘fair-weather’ friends
Kamakailan ay medyo nag-emote ang TV and film comedian na si John “Sweet” Lapus sa kanyang social media accounts.
Tungkol ito sa ilang mga taong akala niya ay kaibigan niya, pero hindi naman daw pala. Mga tao raw itong ipagtanggol niya, pero noong siya na ang nasa alanganin ay nawala raw ang mga ito.
Kaya naman natuto na umano siyang piliin ang mga magiging kaibigan niya.
Ayon sa kanya, "Mas maganda kasi na kahit konti lang ang friends ko, basta totoong kaibigan lahat.
“Kada nagtatapos naman ang taon, nagninilay-nilay ako. Hindi naman maiwasan kasi masyado akong emotional na tao. Importante kasi sa akin ang mga tunay na kaibigan.
“'Tulad nitong nakaraang Christmas, magkakasama kami ng mga alam kong true friends ko. Nagpa-cooking contest ako at nag-Miss Gay Lotto kami. Sila rin ang makakasama ko sa New Year.
"Ang saya lang na nakakasama mo sa ganyang mga pagtitipon ay ang mga tunay na kaibigan mo.”
GOOD REVIEWS. Overwhelmed umano si Sweet sa magagandang reviews na natanggap niya sa kanyang role bilang Iggy Moda sa 2014 Metro Manila Film Festival official entry na Shake, Rattle & Roll XV.
Si Sweet lang ang cast member na nasa tatlong episodes ng SSR XV na “Ahas,” “Ulan,” at “Flight 666.”
Sobra raw na-touch si Sweet dahil hindi niya inaasahang masi-single out siya sa reviews ng naturang pelikula dahil malalaking artista ang kanyang kasama sa bawat episode.
“Naiyak ako doon sa review ng PEP sa SRR XV about me. Super thank you talaga at na-appreciate nila ang efforts namin.
“Naloka nga ako na may nag-comment sa Twitter na ako daw ang nagdala [ng mga episodes]. Support lang talaga ako at it’s an honor na suportahan ang mga bida namin na napakahuhusay lahat.
“Super thankful ako kay Ms. Roselle Monteverde kasi siya ang nakaisip na ilagay ako sa tatlong episodes at sa mga mahusay naming director na pumayag naman sa idea,” ayon kay Sweet. — Pep.Ph