ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kamikazee, nakatakdang maghiwalay pagkatapos ng 2015


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos ang 14 taong pagtugtog, inanunsyo ng Pinoy pop punk band Kamikazee ang kanilang desisyon na maghiwa-hiwalay pagkatapos ng kasalukuyang taon.
 
Nag-post ng video ang banda sa kanilang Facebook page nitong Linggo upang ibalita ang kanilang desisyon. Naroon sa naturang video ang limang miyembro ng Kamikazee na sina Jay Contreras, Jomal Linao, Led Tuyay, Puto Astete, at Bords Burdeos.
 
 
 
Nagpasalamat sila sa lahat ng oportunidad na dumating sa kanila bilang isang banda at sa mga taong nasa likod nila ng kanilang tagumpay.
 
Ayon kay Jay, ang lead vocalist ng banda, “Nag-desisyon po kaming lima na ngayong 2015, ito na po muna ang huling taon na magkakasama tayo dahil gusto naming subukan 'yung buhay-buhay sa labas ng banda. Yung mga trip na pwede pa naming gawin.”
 
Nilinaw naman nila na hindi nagkaroon ng problema sa loob ng banda at masaya silang lima sa kanilang naging desisyon. 
 
Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, patuloy pa rin ang kanilang paghahangad sa buong suporta ng sambayanan sa Original Filipino Music o OPM.
 
Matatandaang ang Kamikazee ang nagpasikat ng mga kantang “Tsinelas” at “Narda”. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News
 
Tags: kamikaze, opm, music