ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Winwyn Marquez ready to end Philippines 41-year drought in Miss Universe


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
  
Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com

Palaban ang former Kambal Sirena star at mainstay ng Sunday All Star na si Winwyn Marquez para masungkit ang karangalan na i-represent ang Pilipinas sa 64th Miss Universe pageant.

Sa exclusive interview sa Binibining Pilipinas candidate last Sunday sa 12 Monkeys Music Hall & Pub sa Makati City, umamin ang dance diva na challenging daw ang paghahanda na ginagawa niya para sa kumpetisyon.

Tugon ni Wyn, “It’s very challenging kasi siyempre discipline ng katawan. Discipline kung paano ka gumalaw, maraming trainings. Paglakad, lahat, pero I’m having fun kasi gusto ko siya so wala akong problema sa nangyayari.”

Ni-reveal din ni Wyn na nag-decide lang daw siya na sumali sa Binibining Pilipinas the night before the last screening day.

Oozing with confidence man ang anak ng actor/politician na si Joey Marquez dahil sanay na siya humarap sa maraming tao, pressure pa rin daw ang mga trainings na ginagawa niya, lalo na pagdating sa question and answer portion.

Aniya, “Q&A, oh my God! Q&A talaga! Lahat ng tanong na puwedeng itanong sa‘yo kailangan mo pag-aralan, kailangan mong magbasa, kailangan mong maging updated lagi hanggang sa pinakasimpleng question hanggang sa pinaka-complex na question.”

Target daw ni Winwyn na mapanalunan ang Miss Universe title this year.

“Siyempre Universe pero kung anu yung ibigay ni Lord, I’m very thankful.”

Pero sa fans ni Winwyn huwag daw kayong mag-alala, bagama’t hindi daw siya makikita muna sa harap ng telebisyon, wala naman daw plano ang morena beauty na lisanin ang mundo ng showbiz.

“Yes hindi naman nawala sa plans. I’ve never intended to leave ‘yung showbiz kasi dun naman ako nag-start 'di ba dun ako [natuto] maging confident, so if given the chance, manalo o matalo sana makabalik.”

Unang napanalunan ng bansa ang Miss Universe crown noong 1969 nang manalo si Gloria Diaz, at nasundan pa noong 1973 nang manalo naman si Margie Moran.

Matagumpay naman ang kampanya ng Pilipinas sa Miss Universe nitong mga nagdaang taon, mula 2010-2013 lahat ng pambato natin sa patimpalak ay nag-place sa top five: Venus Raj, 2010 (4th runner-up) ; Shamcey Supsup, 2011 (3rd runner-up); Janine Tugonon, 2012 (1st runner-up) at Ariella Arida, 2013 (3rd runner-up).

Sa katatapos lang na 63rd Miss Universe pageant, nabigo si MJ Lastimosa na maiuwi ang korona pero naka-abot ang Pinay beauty queen sa Top 10. - Aedrianne Acar, GMANetwork.com