ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Kapuso stars, nagbigay-pugay sa Fallen 44; Rocco Nacino, kaanak ng isa sa mga biktima


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagbigay ng tribute sa 44 PNP-SAF officers na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao ang mga Kapuso stars sa Sunday All Stars nitong Linggo suot ang mga itim na armband.



Hindi naman naiwasang maging emosyonal ng aktor na si Rocco Nacino lalo na at isa sa tinaguriang "Fallen 44" ang kanyang kamag-anak na si PO2 Nicky Nacino.

Kaugnay nito, inialay ni Rocco ang pagkapanalo niya ng gintong medalya sa isang Jiu jitsu tournament sa kamag-anak at mga kasamahan nitong nasawa sa bakbakan.



Tubong Aurora si Nicky, at ayon sa kanyang ama na si Mang Marcelino, nangungulila siya sa paglalambing ng kanyang anak, na ni minsan raw ay hindi nakalimot magpadama ng kanyang pagmamahal. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News