Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Drew and Iya’s wedding video shown to public a year after marriage


Inilabas na ng batikang videographer na si Jason Magbanua ang nakakaantig na wedding video ng Kapuso couple na sina Drew Arellano at Iya Villania, isang taon matapos ang kasalan.

Tumagal ng 13 minuto ang nasabing wedding video kung saan makikita ang mga nakaaantig, nakakikilig at nakatutuwang bahagi ng kanilang kasal.

Ikinasal sina Drew at Iya noong January 31, 2014 sa Meditation Point, Kawayan Cove sa Nasugbu, Batangas, matapos ang kanilang 10-taong relasyon.

Nagkakilala at nagkatambal ang dalawa sa dating Kapuso teen show na "Click."

Mapapanood ngayon si Drew sa travel show na 'Biyahe ni Drew' at 'AHA!' habang co-host naman si Iya sa 'Taste Buddies' kasama si Solenn Heussaff.


Drew and Iya: The Wedding Film from Jason Magbanua on Vimeo.



—Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News