Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero tie the knot


Ginanap na nitong Linggo, February 15, ang kasalang Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista sa Balesin Island sa lalawigan ng Quezon. Ito ay matapos ang madamdaming wedding proposal ni Chiz kay Heart sa home province nitong Sorsogon noong Agosto ng nakaraang taon.

Bukod sa mga kaanak ng dalawa, dinaluhan ang naturang kasal ng ilan sa pinakamalalaking pangalan sa showbiz at telebisyon, business, at politika.

Kabilang rito sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, Carla Abellana, Jennylyn Mercado, Alessandra de Rossi, Kyla, Jonalyn Viray, Jaya, Jolina Magdangal, Sarah Christophers, Mel Tiangco, at Jackie Lou Blanco.

Naroon din sina Senator Grace Poe, Dr. Aivee Teo, Ramon Ang, Hans Sy, Lance Gokongwei, Fernando Zobel, Bobby Ongpin, Jerry Acuzar, Senior Vice President for GMA Entertainment Lilybeth G. Rasonable at Vic del Rosario.

Sa kabila ng malalaking pangalan mula sa iba't ibang industriya, napanatiling pribado at intimate ang pag-iisang dibdib nina Heart at Chiz.

 

A photo posted by Jiggy Manicad (@iamjiggymanicad) on







Ika-4:30 ng hapon nang maglakad sa aisle ang groom kasama ang kanyang kambal na sina Maria Cecilia at Joaquin Cruz.

Suot ng senador ang isang puting suit ng gawa ng sikat na Pilipinong designer na si Paul Cabral.

 

A photo posted by Jiggy Manicad (@iamjiggymanicad) on







 

A photo posted by Rexi Depositar (@ano_rexi) on







Ilang sandali lamang, naglakad na rin ang bride sa aisle at kagaya nga ng kanyang sinabi sa publiko, mag-isa siyang nagtungo sa altar dahil pinili ng kanyang mga magulang na hindi dumalo sa araw ng kanyang kasal.

Inawit ng sikat na singer at performer na si Mark Bautista ang entrance song ng blushing bride.

Suot ni Heart ang gown na gawa ni Ezra Santos at inspired sa wedding gown ni Princess Grace Kelly of Monaco.

 

A video posted by Rexi Depositar (@ano_rexi) on







 

The bride #chizheart21515
 
 

A photo posted by Jiggy Manicad (@iamjiggymanicad) on







 

A photo posted by draivee (@draivee) on









Nagsimula ang seremonya bago sumapit ang ika-5 ng hapon. Pinangunahan ito ni Bishop Arturo Bastes ng Sorsogon, habang si Fr. Gerry Orbos naman ang nagbigay ng Homily.

Bilin ni Fr. Gerry kay Chiz, "Heart is a little girl that has been loved by her family. Take care of that little girl."

 

A photo posted by @solennheussaff on







 

A photo posted by Francis Perez (@redtangent) on







 

A photo posted by Francis Perez (@redtangent) on







Naging madamdamin naman ang exchanging of vows ng dalawa, ngunit hindi pa rin nakalimutan ni Chiz na pagaanin ang mood sa masayang araw na ito.

Ayon kay Heart, "I promise you will never walk alone."

Agad naman itong pabirong sinagot ng groom, "Naniniwala ako na mahal mo ako tuwing sinasabi mong mahal mo ako."

Naiyak ang aktres nang magpasalamat siya kay Chiz sa pagmamahal at sa lahat ng sakripisyong ginawa niya upang makarating sila sa puntong ito.

"Thank you for loving me and fighting for me," ani Heart.

Ayon naman sa senador, "Thank you for giving me the chance to love again."

 

A photo posted by Jiggy Manicad (@iamjiggymanicad) on









Bago nga ang ika-6 ng gabi, opisyal nang mag-asawa sina Heart at Chiz, at gaya ng lahat ng bagong kasal, they sealed it with a kiss.

 

A photo posted by Jiggy Manicad (@iamjiggymanicad) on







 

A video posted by @solennheussaff on







— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News
LOADING CONTENT