ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Donna Cruz gives birth to 3rd child via C-section


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nanganak na ang dating actress-singer na si Donna Cruz ng isang malusog na baby boy kahapon, May 25, bandang alas-otso ng umaga sa Cebu Doctors Hospital. Ang pangatlong anak ni Donna, na pinangalanang Iñigo Renato Larrazabal, ay isinilang via the caesarean section ni Dr. Raida Varong, ang obstetrician-gynecologist ni Donna. Ito ang unang pagkakataon na nagsilang si Donna via the caesarean section. Ang sanggol ay tumimbang ng 8.8 lbs. Kasama ni Donna sa delivery room ang kanyang asawang si Dr. Yong Larrazabal. Donna was admitted to the Cebu Doctor's Hospital mga bandang alas-onse ng gabi noong Huwebes, May 24. Bandang alas-dose ng hatinggabi ay nagsimula na itong maka-experience ng labor pains na tumagal ng pitong oras. Sa huling pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Donna sa telepono two weeks ago, sinabi ng dating actress-singer na ayaw niyang ma-CS. Mas gusto pa rin daw niya na normal delivery lamang niya iluluwal ang kanyang sanggol. Pero ayon pa rin sa kuwento ni Donna, sinabihan daw siya ng kanyang OB-Gyne na masyadong mabigat ang bata sa kanyang tiyan. Halos kasimbigat na raw ito ng panganay niyang si Belle nang ipanganak niya ito. Ngayong araw, May 26, ay nakatakdang lumuwas ng Cebu ang ina ni Donna na si Yolly Cruz-Yrastorza. Ang panganay nina Donna at Yong na si Belle is turning eight years old this October, samantalang ang ikalawa nilang anak na si Sean ay limang taong gulang na. - Philippine Entertainment Portal

Tags: donnacruz