ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Lucky charms ng ilang Kapuso celebrities
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kaakibat ng pagdating ng Chinese New Year ang mga paniniwala at tradisyon na magdadala raw ng suwerte sa darating na taon. Ano-ano kaya ito, at ano ang mga lucky charm na mabisa para sa ilang Kapuso artists?
Ikinuwento ni Chris Tiu na may dugong Chinese ang ilan sa kanilang naging tradisyon tuwing papasok ang bagong taon.
Aniya sa Unang Hirit, “We usually have a Chinese New Year’s Eve dinner with the family. We go out in a restaurant, or sometimes in somebody’s house. We’d all wear red para festive ang mood.”
“Then, we would eat noodles for long life, tikoy dahil sticky siya para maganda kapit ng family. Pati ‘yung pera para kumapit na rin. ‘Yung mga hindi pa kasal, nakakatanggap ng ampao [mula] sa grandparents,” patuloy niya.
Ayon naman sa The Half Sisters star na si Thea Tolentino, lucky color daw niya ang asul.
Wika niya, “Nagkakataon na ‘yung mga nasusuot kong bagay [swerte], like blue. Mula Protégé, blue ako tapos nagkakataon na suot ko rin blue pag may magandang nangyayari. Nagkakataon.”
Ibinahagi rin ng Kailan Ba Tama Ang Mali? female lead na si Max Collins, nakuha niya sa kanyang mommy ang paniniwala sa lucky gems.
“’Yung mga bracelets, ‘di ba the gem stones, ganyan. ‘Yung mom ko kasi mahilig sa ganun eh. Inaalam niya ‘yung mga traits ng gem stones, like ito ‘yung pampaswerte, ito ‘yung for love. But now what I do is I just pray na lang. Kapag may gusto ako, pinagdadasal ko talaga siya,” kwento niya.
Para sa dalawang Kapuso leading men ay wala pa ring tatalo sa kapangyarihan ng panalangin.
“Before doing anything, dasal ka muna. ‘Yun ang importante talaga. ‘Yun na ‘yung pinaka-lucky charm, prayer,” ani Mark Herras.
“Hard work lang ‘yan at saka prayers,” pagsang-ayon ni Alden Richards. -- Cherry Sun, GMANetwork.com
Tags: chinesenewyear2015
More Videos
Most Popular